Liza, kinatuwaan sa nakakatuwang kwento nito sa turo ni Ogie: “Lahat po bine-beso ko”

- Kinatuwaan muli si Liza sa pagbahagi nito ng mga turo sa kanya ng kanyang manager noon

- Inamin niya kasi na tinuruan siya ni Ogie kung paano bumeso na siya namang dahilan kung bakit na-aliw ang viewers

- Viral ito ngayon sa TikTok na may mahigit isang milyong views na pagkatapos ng isang araw

Hindi napigilan ng netizens na sabihang “genuine” at inosente ang Kapamilya star na si Liza Soberano nang mapanood ang TikTok video kung saan throwback ang nasabing clip na tila isang interview sa 'Magandang Buhay' kasama ang mga momshies na sina Karla, Melai, at Jolina.

Viral na kasi ang video na may mahigit isang milyon na ang views. Panimula ni Liza, sinabi daw kasi sa kanya ni Ogie, kanyang manager, na kailangan niyang matutong bumeso. Dahilan kung bakit aliw na aliw ang hosts. 

“Sabi ni Tito Ogie po sa'kin dati, dapat matuto 'kong bumeso. So, nung dumating ako sa taping isang beses, lahat po bineso ko. Bineso ko lahat tapos tinawag ako (tapos) sabi “Bakit mo bine-beso 'yung mga lalaki” sabi ko kasi sabi po ni tito Ogie na dapat ibe-beso ko lahat” sabay tawanan sina Ogie Diaz at momshies. 

“Nagulat 'yung mga lalaki sa'kin kasi ginaganun (cheeks to cheeks) ko saka bine-beso” nakakatuwang dagdag pa ni Liza. 

“Sa sobra niyang natutunan, lumampas!” pabirong komento ni Ogie Diaz.
@lizquenloves HAHAHAHAHA #lizasoberano #lizquen #foryoupage #fyp ♬ original sound - lizquen

Post a Comment

Previous Post Next Post