Liza, viral nang inaming 'walang nagawa' si Ogie Diaz sa pagbo-boyfriend nito

- Napuno ng halakhak ang netizens sa viral video ni Liza Soberano nang binabati nito ang anak ng kanyang manager na si Ogie Diaz

- Pinayuhan kasi ito ni Liza na huwag muna magbo-boyfriend dahil ayaw ito ni Ogie at sa huli ay nagkatuwaan ang manonood dahil sa sinabi ng aktres

- Ang sumunod na clip ng TikTok video ay ipinakita na tila nagulat si Ogie Diaz dahil sa loob ng 5 na taong magkarelasyon ng Lizquen ay nagawa itong itago sa kanya

Viral na ngayon sa TikTok ang video ni Liza Soberano kung saan makikitang dumalo ito sa kaarawan ng anak ng kanyang manager na si Ogie Diaz.

Umabot na kasi sa isang milyong views ang naturang video pagkatapos itong i-post sa nasabing app ng tatlong oras. Napuno naman ng katuwaan ang comment section ng mga netizens.

Sa video ay binabati ni Liza si Erin na anak ni Ogie Diaz at maririnig doon na pinayuhan itong huwag munang mag-boyfriend dahil ayaw na ayaw ito ng manager. Nawindang naman ang viewers na rebelasyon ni Liza. 

“And 'wag ka muna magbo-boyfriend. Kasi ayaw talaga ni tito Ogie... kahit sa'kin. Pero wala siyang magagawa. Hahaha,” pagbati ni Liza bago mapuno ng tawanan ang selebrasyon. 

Sa kasunod namang clip ng TikTok video ay makikitang pabirong sinabi ni Ogie Diaz na sa loob daw ng limang taong relasyon nina Liza't Enrique ay 3 years lamang daw ang alam niya. 

“Ilang taon na kayo? 5 years. 'Yung 3 years lang ang alam ko. Hahaha!” napatingin at napatawa naman si Enrique sa sinabi ni Ogie.
@lizquenloves #lizasoberano #enriquegil #lizquen #foryoupage #fyp ♬ original sound - lizquen

Post a Comment

Previous Post Next Post