Maxene Magalona, may paalala sa mga “marites” na pinapakialaman ang kanyang personal na buhay

- Naglabas ng paalala si Maxene Magalona sa mga “marites” na nagpapakalat ng mga haka-haka

- Aniya, gamitin daw ang kanilang enerhiya upang magdasal kaysa naman sa pakikipag-chismisan

- Sa huli naman ay sinabi niyang masayang-masaya ang buhay nito ngayon dahil sa kanyang koneksiyon sa Panginoon

Naglabas na ng saloobin ang Kapamilya actress na si Maxene Magalona sa mga netizens na nagpapakalat ng mga “chismis” sa personal na buhay niya.

May ilang haka-haka kasing ikinakalat ang mga “marites” kung tawagin ng karamihan. Ayon sa mga marites na ito ay naghiwalay na umano sila ng kanyang asawa na si Rob Mananquil at hindi pa ito isinasapubliko.

Tila sinagot na ni Maxene ang mga paratang na ito sa kanyang Instagram account sa pamamagitan ng mahabang caption. Sinagot rin niya ang netizens na nagtatanong sa kanyang personal na buhay.

“I’ve been receiving A LOOOT of questions about my personal life so I would just like to share a few things which I believe we can all learn from,” panimula ng aktres. 

“1. It is not polite to ask people about their personal lives especially when you don’t know them personally. And even if you DO know them, you should give them space and wait for them to open up to you instead of prying and wanting to invade their privacy.” 

“2. Actors are human beings too. Even if our job entails us to be in the limelight, it doesn’t mean that we owe our private stories to the public.” 

“3. We all have the right to choose when and who we will share our stories with.” 

“4. Social media should be a safe space where we can all express ourselves healthily and authentically, choosing only what we want to share.”

“5. Gossip is a form of energy leak.” 

“6. It’s better to spend your energy praying rather than gossiping.” 

“7. Inner peace is achieved when we focus on ourselves and not on the lives of others.” 

“8. God is love.”

“Don’t come to my page for gossip. Come to my page for God. This is me protecting my energy and setting healthy boundaries for myself,” dagdag pa niya bilang paalala na rin sa mga netizens.

Post a Comment

Previous Post Next Post