MJ, nagulat sa ginawa nina Samantha Bernardo at boyfriend nito sa kaniyang KUMU live

- Nakatanggap ng sorpresa si Samantha Bernardo mula sa boyfriend nito na dahilan upang mag-react si MJ Lastimosa

- Nag-react si MJ matapos mag kiss nang lips to lips ang dalawa kaya naman napa-“hugot” ang beauty queen

- Humingi naman ng paumanhin si Samantha pagkatapos ng ginawang eksena ng boyfriend nito

Kahit hindi pinalad maging big winner ang ex-housemate sa 'Pinoy Big Brother' at beauty queen na si Samantha Bernardo, tila wagi pa rin ito dahil nakatanggap pa ito ng sorpresa mula sa kanyang boyfriend.

Sa nasabing KUMU live ni Samantha ay inimbitahan niya ang kapwa niya beauty queen na si MJ Lastimosa para sa naganap na live nito lamang January 9, 2022.

Nang maumpisahan ang live ni Samantha ay kabi-kabilang kwentuhan ang nangyari patungkol na sa nangyari sa kanya sa PBB. Bigla namang sumulpot ang boyfriend ni Sam sa kalagitnaan ng live habang may hawak na bouquet ng flowers.

Tila nagulat si MJ at napasabi pa ng “OMG!” habang halos maihampas na ang boteng hawak niya sa screen lalo na noong nagkiss pa ang dalawa. Napa-hugot pa ito sa nasaksihan niyang eksena.

“Scott, thank you for letting rveryone feel that they are single tonight.”

Sagot ni Samantha, “It’s okay. You know what, Mr. Right is out there. You just have to find him.”

Matapos umalis na sa nasabing live ang boyfriend ni Sam, dali-daling sinabing “eksena” raw si Scott nang sumulpot ito sa screen.

“Bakit naman po ganyan? Bakit naman po nananampal? Bardagulan e. Bakit naman nananampal?” pabirong sinabi ni MJ.

Nanghingi naman ng paumanhin si Sam sa ginawang “eksena” ni Scott. Tuwang-tuwa naman ang mga netizens na nakapanood ng naturang live sa naging reaksyon ni MJ.

Post a Comment

Previous Post Next Post