Nadine Lustre inamin na ang dahilan kung bakit hindi siya nagsusuot ng makukulay na damit

- Inamin ni Nadine Lustre sa publiko na hindi siya nagsusuot ng mga colored OOTDs

- Tulad ng maraming tao, nakakaranas din si Nadine ng mga masyadong pagpapawis partikular na sa bahaging kili-kili

- Ito ang dahilan kung bakit pumayag ang aktres na magpa-Botox injections sa kanyang armpit area

Diretsahang sinabi ng Kapamilya star na si Nadine Lustre ang kanyang problema patungkol sa kanyang katawan partikukar na sa bahagi ng kanyang kili-kili.

Ayon kasi dito, hindi rin daw siya nagsusuot ng mga colored OOTDs dahil sobra-sobra na raw ang pag-papawis ng kanyang kili-kili. Isang bagay na normal at nararanasan ng karamihan ng tao.

Kaya naman makikita sa kanyang mga photos na palagiang naka-sleeveless na top ang kanyang isinusuot at madalang siya magdamit ng mga makukulay sa kanyang mga photoshoot. 

Sa vlog naman ng beauty doctor ni Nadine na si Aivee Teo sa YouTube, dito na niya sinabi na may problema na siya sa kanyang armpit area.

Matindi na raw kasi ang pagpapawis nito lalo na kapag sobrang init kaya naman sa huli ay nag-iiwan ito ng mga stains kapag may kulay ang kanyang isinusuot.

“My issue is that I can’t wear grays, I can’t wear anything colored. Because when I sweat, it’s really here sa back. I sweat a lot”

Tila naman nagulat ang doktor sa sagot ng dalaga sa pag-amin nito. “Wow! This is the first time we’re actually talking about that.”

Ito rin daw ang tanging dahilan kung bakit pumayag si Nadine sa botox injections na gagawin sa kanyang kili-kili, ito raw kasi ang isang dahilan upang maiwasan ang masyadong pagpapawis ng armpit area.

Ayon naman kay Aivee, magiging dalawang sesyon ang gagawin niya kay Nadine. Na-excite naman ang aktres sa sinabi ng doktor kung kaya't gusto niya na daw magsuot ng mga colored clothes.

“Finally I’m doing (the treatment), and I’m really excited to wear colored clothes,”

Post a Comment

Previous Post Next Post