Ogie Diaz, nilinaw na wala silang kinalaman ni Liza sa mga post ni Xian Gaza: “Tigilan mo na muna ang pagiging Marites”

- Sinabi ni Ogie Diaz kay Xian Gaza na huwag naman daw silang banggitin sa mga post nito ngayong nadadamay sila ni Liza

- Nadamay kasi sila ng mga bashers sa kontrobersyal na post ni Xian Gaza dahil na-mention umano ang mga pangalan nila pagkatapos ng sunod-sunod na tsismis ni Xian sa Kathniel

- Naki-usap naman ito na sana ay 'wag na itong maging “marites” lalo na't wala itong sapat na pruweba

Naging usap-usapan sina Ogie Diaz at ang alaga nitong si Liza Soberano sa post ni Xian Gaza kung saan nabanggit ang mga pangalan nito kung kaya't maraming netizens ang dinadamay sila sa mga isyu.

Sa ngayong deleted na post, sinabi kasi ni Xian na hindi niya maaaring itsismis si Liza dahil kumpare niya ang manager nitong si Ogie.

Dagdag rin niya, “chairman” daw kasi umano ang tawag ni Liza sa kanya at nirerespeto niya nang mataas ang aktres.

Sa recent na showbiz vlog naman ni Ogie Diaz, nilinaw nitong wala silang kinalaman ng Kapamilya star na si Liza Soberano sa mga post ni Xian. Pinunto rin nito na 'wag na daw silang banggitin upang hindi na madamay sa pambabash ng publiko. 

"Para po sa kalinawan ng lahat, wala po kaming kinalaman ni Liza Soberano sa kung anuman po ang ipino-post ni Xian," ani Ogie. 

"Huwag mo na kaming i-mention ni Liza kasi nadadamay kami na baka isipin ng ibang tao na may kinalaman kami sa post mo" dagdag pa niya. 

Ibinahagi rin niya sa vlog na sinabihan niya si Xian na huwag nang magkalat ng tsismis lalo na kung wala naman itong pruweba. 

"Sinabihan ko po si Xian na pare, tigilan mo na muna ang pagiging Marites lalo na kung wala namang sapat na pruweba" 

Dagdag rin ni Ogie, hindi naman daw talaga close sina Liza at Xian kontra sa sinabi ni Xian na close ito. Nagkakilala lang daw umano sila dahil sa kanya.

Post a Comment

Previous Post Next Post