Paulo Avelino, ibinahagi kung ano talaga ang relasyon nila ni Janine: “Si Janine lang hinihintay”

- Sa online conference ng kanilang seryeng Marry Me, Marry You, agad namang humarap sina Paulo at Janine sa kabi-kabilang katanungan

- Tila kinikakiligan ng mga fans ang naging sagot ni Paulo Avelino nang tanungin ito sa estado ng relasyon nila ni Janine Gutierrez

- Nabanggit rin ni Janine na nai-inggit daw sila kapag nakikita nilang magkasama sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano

Nagkaroon ng online press conference ang naturang serye nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez nito lamang January 4, 2022 para sa nalalapit na pagtatapos nito.

May mga chika kasing nagsasabi na totoo na raw ang aktingan ng dalawa dahil natural na raw silang gumaganap bilang mag-asawa sa serye. Tila umiiwas naman si Janine nang tanungin na siya kung ano ba talagang relasyon sa pagitan nila ni Paulo.

Simula pa lang ay maganda na ang ngiti ng dalawa. Hindi naman sinagot ni Janine ang tanong nang diretsahan at itinuon ang kanyang sagot sa kanilang co-stars na sina Cherry Pie at Edu.

“Ha-hahaha! Gusto ko lang sumagot na lahat kami naiinggit kay Miss Pie at kay Tito Edu kapag nakikita namin sila magkasama.”

“Walang tatalo sa kaswitan nila kasi. Tsaka talagang tinakasan nila kami today,” dagdag pa ni Janine. 

Nang tanungin na muli ang dalawa kung mayroong pag-asang magkatuluyan rin sila, hindi naman sila sumagot at sa halip ay ngumiti lang sa harap ng fans. 

Nakatuon naman kay Paulo, muling tinanong ng host kung ano nga ba talaga ang namamagitan sa kanila ng aktres. 

Humirit pa si Janine ng: “Hay salamat!” dahil tila inalis na sa kanya ang mga katanungan at ipinasa naman kay Paulo. 

Sagot ni Paulo, “Ako po, si Janine lang hinihintay lagi. So, tingnan natin kung hindi kami masyadong busy for this year. May sari-sarili kaming gagawin for this year.”

Magkakaroon kasi sila ng Kapamilya concert tour ngayong 2022 sa Los Angeles na itatagal daw ng mahigit dalawang linggo. Kaya tanong ulit sa kanila, baka daw doon na sila magkaroon ng feelings sa isa't-isa.

Ani Paulo, “Pero hindi naman kami sa isang kuwarto matutulog.” na sinagot naman ni Janine ng, “Huy! Dapat lang! Ha-hahaha!” 

Nagpaparamdam naman na daw si Paulo kay Janine ngunit hindi niya ito pinapansin. Dahilan upang tumawa muli si Janine na ikinatuwa ng netizens.

Wala namang kinumpirma sina Janine kung mayroon na nga ba talagang namamagitan sa kanila.

Post a Comment

Previous Post Next Post