Samantha Bernardo ka-vogue pa rin kahit naka quarantine

- Nag positibo sa covid-19 ang ex PBB housemate na si Samantha Bernardo

- Ibinahagi niya ang impormasyong ito sa kaniyang mga tagahanga

- Siniguro naman niya sa kaniyang fans ang maayos niyang kalagayan

Ibinahagi ng beauty queen na si Samantha Bernardo nitong Lunes na nagpositibo siya sa covid-19 at kasalukuyang sumasailalaim sa home quarantine.

“I would like to inform everyone that I tested positive for my pcr test yesterday. It's unfortunate because I was supposed to do a lot of work but this calls for home quarantine and rest days.”

Kasabay ng kanyang anunsiyo sa Instagram, inalala din ni Samantha ang naging sitwasyon nila noon ng kanyang kapwa celebrity housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya sa kakatapos lamang na PBB: Kummunity Season 10 celebrity edition. “I remember our Bahay Ni Kuya moments where we don't need to wear masks and we can hug each other.”

Isinalarawan din ng dalaga ang kanyang mga nararamdaman at umaasang manumbalik na sa normal sa lalong madaling panahon. “I am feeling weak and have colds as symptoms but I am still able to smell and taste. I promise that I will take care of myself and hopefully recover faster.”

Siniguro naman ni Sam sa kanyang mga fans at followers patuloy parin siyang magbibigay balita sa kanyang kalagayan sa pamamagitan ng kanyang livestreaming platform. "I will still do some Kumu livestream to update you guys from Tuesday, Thursday, and Saturday at 6 pm. Stay safe and healthy everyone. Health is wealth! Love you all."

Naiuwi ni Samantha ang first runner-up title sa Miss Grand International noong 2020 na ginanap sa Bangkok, Thailand. Isa rin siya sa nakapasok sa Final 5 ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Celebrity Edition, bago tuluyang na-evict nitong January 1.

Post a Comment

Previous Post Next Post