Sarah Geronimo buntis na raw?, Ogie Diaz nag react, "Kung buntis... Congratulations.."

- Usap-usapan ngayon ang Instagram photo post ni Matteo Guidicelli kasama si Sarah Geronimo

- Dahil sa mga lutratong ito ay iniintrigang buntis na si Sarah G.

- Ogie Diaz nag react sa naturang chika ng mga netizens

Usap-usapan ngayon ang latest Instagram photo post ni Matteo Guidicelli kung saan makikitang sweet silang dalawa ni Sarah Geronimo.

Ngunit mas napansin ng netizens ang tila kakaibang body figure ni Sarah at hinuha nga ng mga netizens na marahil ay nagdadalang tao na si Sarah.

Sa kanilang Youtube account ay naging topic ito ng showbiz manager na si Ogie Diaz kasama ang partner niyang si Mama Loi.

"Izoom nga natin nanay oh, para ngang may baby bump tsaka parang lumaki yung balakang ni Sarah," pagsisimula ni Mama Loi habang tinitignan ang larawan.

"Hindi, baka mahangin lang..," pakli ni Ogie.

Dagdag naman agad ni Ogie, “Aba kung buntis naman si Sarah hindi naman tayo masho-shock diba, may asawa naman yung tao. Tsaka parang lumaki yung balakang nga niya ‘no. Tsaka yung braso nga niya lumaki… Feeling ko parang nahanginan lang…” 

"ha? Nahanginan lang yung pwet? Diba? Oh para talagang may baby bump…," ang hindi pag sang-ayon ni Mama Loi sa hinuha ni Ogie.

“Oh eh di kung buntis si Sarah Geronimo, congratulations!” sabi naman ni Ogie.

“Hintayin muna natin, baka ine-enjoy nila ang isa’t isa muna. May mga ganun eh pagkabagong kasal… di naman natin alam…Matteo at Sarah, saamin ha, gusto na namin makabuo na kayo. Pero kung para sainyo ay hindi pa panahon, ienjoy niyo muna ang isa’t isa okay..," dagdag pa ni Ogie.

Post a Comment

Previous Post Next Post