Sikat na aktor, game na raw na magpakasal sa kanyang girlfriend?

- Nang tanungin ang aktor na si Enzo Pineda patungkol sa kanyang girlfriend, inamin nitong game siya i-level up ang kanilang relasyon

- Ibinahagi rin niyang si Michelle ang dahilan kung bakit ginagawa niya ang nga ginagawa niya ngayon

- May malaking parte raw kasi ito sa kanya sa pagiging mas mabuting anak at boyfriend

Commited naman sa isang seryosong relasyon ang Kapamilya actor na si Enzo Pineda sa kanyang long-term girlfriend at aktres din na si Michelle Vito nang tanungin siya sa isang interview.

Sa interview din niya ibinahagi na dapat daw ay mas mag-focus ito sa career nila ngunit kung parehas nang ready i-level up ang kanilang relasyon ay game na game ang aktor.

“Of course, we wouldn’t be in a relationship right now if hindi namin nakikita ‘yung future namin together. Definitely, nasa utak ko ‘yun. But as of the moment, I think dapat mag-focus muna kami sa careers namin. And Michelle is also busy with a lot of things,”

“Pero ako naman, to be honest, anytime pwede naman ako. Because I really see Michelle as… alam n’yo na. And if we’re both ready, why not, ‘di ba? Ako, game na game ako. I would love to spend my time with Michelle.”

Hindi naman napigilan i-kwento ni Enzo na may malaking parte si Michelle sa buhay niya ngayon. Siya rin daw kasi ang nagpa-inspire sa kanya na maging mas mabuti sa kahit anong aspeto.

“Kami ni Michelle, we always support each other in any way that we can. And I’m just really blessed to have somebody like her in my life. Kasi isa siya talaga sa reason kung bakit ko ginagawa ‘yung mga bagay na ginagawa ko. And I wouldn’t be the person that I am right now if it wasn’t for her.

“Para sa akin, totoo ‘yung sinasabi na ‘You are who you surround yourself with.’ So I’m very blessed to have a woman who supports me in any way that she can and who inspires me to become better in all aspects.”

“Become a better son, brother, boyfriend, citizen, actor. So ang laking factor niya sa buhay ko in why I’m doing this. And I guess, nakikita naman natin na things are going to the right direction,” dagdag pa ng aktor.

Nang tanungin naman kung ano ang pinaka paborito niyang moment kasama ang kanyang girlfriend, “Si Michelle kasi is a simple person and ang vina-value niya is consistency.”

“I do enjoy the simple and quiet moments namin together, na tuwing gabi, naglalaro lang kami ng computer games like Call of Duty, Mobile Legends. Those simple things for me are the ones that matter.

“Of course there are days na we can make it grand because it’s our anniversary, pero para sa akin ‘yung mga simpleng bagay lang na ‘yun na nagba-bonding kami is what matters,”

Post a Comment

Previous Post Next Post