Sue, hindi nahirapan sa love scenes nila ni Zanjoe: “hindi mahirap i-desire”

- Sue Ramirez, aminadong hindi na nahirapan sa mga love scenes kasama si Zanjoe sa 'The Broken Marriage Vow'

- Inamin rin niyang matagal na niyang crush si Zanjoe kahit bago pa lang siya sa showbiz

- Diin pa ng aktres, hindi rin daw niya naranasan mailang dahil sa aktor

Natuwa ang Kapamilya star na si Sue Ramirez nang ibahaging matagal na siyang may paghanga sa co-star nito at kapwa Kapamilyang si Zanjoe Marudo sa inaabangang seryeng 'The Broken Marriage Vow'.

Ayon sa kanya, ito rin ang isa pang dahilan kung bakit hindi na siya nahihirapan gawin ang mga love scenes kasama si Zanjoe. Gagampanan niya kasing maging kabit ni Zanjoe sa serye.

Siya din ang wawasak sa masayang pamilya ng mga Lucero na pagbibidahan naman ni Jodi Sta. Maria bilang Jill Ilustre at magbibigay-buhay kay David Ilustre na si Zanjoe Marudo.

Tuwid na sinabi ng aktres na talaga namang ibinuhos niya ang mga matagal na niyang tinatagong paghanga kay Zanjoe sa The Broken Marriage Vow. 

“May mga emosyon tayo na hindi natin pwede pigilan, guys. So, dahil crush ko si Z, kailangan kong i-channel ‘yung emotion ng kilig, ng gigil din.”

“Tapos lagyan mo ng kaunting spice, landi gano’n. At nakatulong sa akin na crush ko siya kasi hindi na mahirap i-desire siya dahil crush ko nga,”

Nang tanungin naman siya kung gaano ka-intense ang nga love scenes nila ni Zanjoe, diretsahang sinagot ito ng aktres.

“Hindi na kami nahirapan sa mga gano’n kasi sobra rin akong inalalayan ni Z. Siya ‘yung type ng person na kapag nakilala mo, may tiwala ka na kanya. Ganu’n po siya kabuting tao,” paliwanag ni Sue.

“Alam niya kapag nahihirapan ako, mag-a-adjust talaga siya. Dahil nga torpe, tsina-chummy niya ko bago kami mag-take. Nakikita ko naman ‘yung mga extra effort na ganu’n. 

“Very grateful ako na, ang lalaki nu’ng love scenes, pero hindi ko naramdaman na kinailangan ko mailang. Hindi niya ko binigyan ng dahilan para maramdaman iyon,” katwiran ni Sue.

Tuwang tuwa naman si Sue nang ichinikang nakiusap sa kanya si Zanjoe na huwag na daw niyang tawaging “kuya” ang aktor habang naglo-lock in taping. 

“Sabi niya sa akin, hindi ko na raw siya pwede maging crush kasi matanda na raw ako. Tapos na-realize ko na 25 na nga ako, okay pa ba ‘to na happy crush? Iba po talaga ang paghanga ko kay Zanjoe,” paliwanag pa ni Sue.

“Bata pa lang ako at hindi pa artista, siya na talaga ang showbiz crush ko,” natatawang sabi ni Sue sa kanyang sariling virtual presscon nitong January 12.

Post a Comment

Previous Post Next Post