Tanong ng netizens: Sino ang 'mahal' na tinutukoy ni Seth Fedelin?

- Palaisipan sa ngayon kung sino kina Andrea Brillantes at Francine Diaz ang tinutukoy ni Seth Fedelin na 'mahal'

- Naging maingay kasi ang pahayag ni Seth sa interactive show ng ABS-CBN para sa mga biktima ng bagyong Odette

- Tila sinabi nitong sanay na ang dalawa na magkayakap at humingi pa ng patawad si Seth sa kanyang 'mahal'

Kabilang ang Kapamilya actor na si Seth Fedelin sa sumalang sa naging Truth or Dare segment ng benefit interactive program ng Kapamilya Network para sa mga biktima ng nagdaang bagyong Odette. 

Naging usap-usapan ang kwento ni Seth patungkol sa kanyang 'mahal' na kasa-kasama niya araw-araw. Maging ang chief operating officer ng ABS-CBN na si Cory Vidanes ay tila na-curious kung sino si 'mahal' na tinutukoy ni Seth. 

Panimulang kwento ni Seth, pasensiya na raw kay 'mahal' kung malamig ang gabi nito dahil hindi niya kasama kayakap ang kanyang minamahal. Dagdag pa niya, mag-aaral itong magluto para lamang sa kanya. 

“Napakasimple lang naman ng mensahe ko, ‘Uy, Mahal, unang-una, pasensiya ka na dahil magiging malamig ang gabi mo dahil hindi mo ako kayakap at walang yumayakap sa ‘yo.” panimulang kuwento ng aktor. 

“Hayaan mo, malay mo, paggising mo, nandiyan na ako sa tabi mo, ipaghahanda kita ng itlog, hindi ko makakalimutan ‘yung asin, ah, kasi sumala nu’ng una, promise, mag-aaral akong magluto para sa ‘yo.” sabi nito habang kitang-kita ang kilig sa mukha nina Darla at Alora.

“At ‘yun, Mahal, dadalawin kita sa panaginip ko, pipilitin kong lumakbay diyan sa utak at puso mo. Kahit tulog ka, tandaan mo, panatag ang loob mo na pagmulat ng mga mata ko, ikaw pa rin ang hahanapin at ‘yun, mahal na mahal kita (sabay flying kiss),” dagdag pa niya. 

Tanong pa ni Darla kay Seth, “Yan ba ang hindi sanay? Parang lagi siyang may ginagawang ganyan. Anong tingin niyo, guys?” 

Hirit ni Alora, “Ay, may nagpapatanong, sino raw si Mahal?”

Nilinaw naman na ni Seth kung sino daw ang nagpapatanong, “Si Tita Cory kasi ang nagpatanong, nalaman ko (sabay tawanan ang lahat)."

“Tita Cory, siguro po, kayo ang unang sasabihan ko bago silang lahat, kaya message ko na lang kayo, Ma’am,” natatawang sabi ni Seth sa Kapamilya big boss.

Post a Comment

Previous Post Next Post