Cristy Fermin, may komento patungkol sa kasal nina Vice at Ion: “Kaya naman pala...”

- Isinapubliko na nina Vice at Ion ang pagpapakasal nila noong Oktubre ng 2021 sa USA

-Nagkaroon sila ng kasalan sa "The Little Vegas Chapel" sa Las Vegas

- Nagkomento naman si Cristy Fermin hinggil sa pagpapakasal nina Vice at Ion na isinapubliko nito lamang February

Nagviral ang pagpapakasal ng magkasintahang Vice Ganda at Ion Perez nang i-upload na ni Vice sa kanyang YouTube channel kung ano nga ba talagang nangyari noong Oktubre ng 2021.

Dito na nila sinabing nagpakasal na talaga sila noong October 19, 2021 sa The Little Vegas Chapel sa USA. Marami naman ang natuwa sa rebelasyong ito at kabilang na nga si Cristy Fermin.

Sa latest vlog niya sa YouTube, sa Cristy Ferminute, may reaksyon ni Cristy hinggil sa kasalan nina Vice. Ayon sa kanya, kaya naman pala ang turingan nila sa isa't-isa ay parang mag-asawa na dahil talagang nagpakasal na pala ito.

“Kaya naman pala kung ituring nila ang isa't isa ay talagang mag-asawa na 'no? 'Di ba? Ang ganda nu'ng sinabi ni Vice na ikaw ang kasama ko ngayon, kasama ko bukas at gusto kong makasama habambuhay. Ganu'n din si Ion, 'di ba?” pagbabahagi niya.

“Nakakatuwa, congratulations, siyempre. 'Yan lang ang aming masasabi dahil pinatunayan niyo sa bawat isa na totoong-totoo ang inyong relasyon at kayo ay pinagbibigkis ng pagmamahalan, 'di ba? Congrats!” dagdag ni Cristy sa kabila ng pagpapasahan nila ng kaso ni Dawn Chang.

Post a Comment

Previous Post Next Post