Cristy, may sinabi kay Erich at sa bilyonaryong fiancè nito: “Alam mo ba...”

- Muling naglabas ng komento si Cristy Fermin kung saan may sinabi siya sa mapapangasawa ni Erich Gonzales

- Tila magkakatotoo nga raw ang pangalan ni Erich dahil sobrang 'rich' daw ni Mateo Lorenzo

- Komento pa ng kanyang co-host, mahihiga nalang daw si Erich sa mga salapi dahil sa sobrang swerte nito pagdating sa pera

Si Cristy Fermin, sa kabila ng samu't-saring showbiz issues ngayon, ay nagawa pa rin makasagap ng chika mula sa mapapangawa ng Kapamilya star na bumida sa 'La Vida Lena' na si Erich Gonzales.

Wala pang isang linggo noong pumutok ang balita na engaged na nga si Erich sa kanyang billionaire fiancè na si Mateo Lorenzo, kabi-kabilang artikulo na ang mga nagbabalita patungkol dito. 

Nauna na nga itong ibinida ng pinaka-malaking Kapamilya entertainment support page na Kapamilya Online World hinggil sa nalalapit na pagpapakasal ng Kapamilya star.

Caption nito, “Meet Erich Gonzales soon to be her husband, non-showbiz boyfriend Mateo Rafael

Mateo Lorenzo who belongs to wealthy family that owns various restaurant chains such as Pancake House, Dencio's, Terriyaki Boy, Sizzlin'Pepper Steal, Kabisera ng Dencio's, Le Couer de France, Yellow Cab at Chicken Rice Soup and a top player in food manufacturing where they own the Lapanday Foods Corporation.”

Ngayon naman, sa latest vlog ng 'Cristy Ferminute' na pinangungunahan ni Cristy Fermin, sinabi nitong si Erich Gonzales ay isa nang “Rich Gonzales.”

"Nagkatotoo ang pangalan ni Erich Gonzales, Rich, Rich Gonzales na siya in time." sabi ni Cristy.

"Sa March 23, magpapakasal na sila ng anak ng bilyonaryo na si Mateo Rafael Lorenzo." 

“Alam mo ba, sabihin mo, ang lahat halos ng mga restaurant, lahat ng mga inoorderan natin ng pizza at iba pang mga pagkain, kanila yon." chika pa niya.

Komento pa ng kanyang co-host na si Romel, "Grabe, sabi nga nay, mahihiga na lang daw ito sa salapi si Erich."

Post a Comment

Previous Post Next Post