Cristy, sinabing maraming naiirita sa ama ni James Reid: "Hindi nakapagtataka ang..."

- Tinawag ng ama ni James Reid na "basura" ang bali-balitang mangingibang bansa na si James upang ipagpatuloy ang career niya na nasimulan na sa Pilipinas

- Nag-react naman dito ang kolumnistang si Cristy Fermin at sinabing nakakairita ang ama ng aktor base sa mga nakikita nito sa mga nakaka-trabaho ni James

- Ibinuking pa niya na kahit noong kasagsagan pa ng popularidad ni James ay laging sumisingit ang tatay ng aktor at gumagawa pa ng maraming issue

Nag-viral ang mga video at pictures ni James Reid kamakailan noong nangibang bansa ito patungong Los Angeles. Kaya naman maraming haka-haka ang pumutok patungkol rito gaya ng mga bali-balitang doon na ipagpapatuloy ng aktor ang kanyang career.

Wala namang kumpirmasyon rito ang aktor kung "for good" na nga ba ang kanyang pagpunta sa Los Angeles ngunit marami pa rin ang mga chika na sa LA na niya sisimulan ang kanyang international singing career.

Nilinaw naman ni Malcolm Reid, ama ni James, ang mga sabi-sabing ito. Aniya, nagpunta lang sa LA ang aktor upang bisitahin ang kanyang kapatid na si Andrew. Dito ay kasama niyang pinost ang litrato niya kasama si James sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong paalis na ito ng bansa.


“With James at NAIA a few days ago. On his way to LA for recording sessions and to visit his brother Andrew. That’s it. Anything else is basura … sorry to disappoint the fake newsmakers.” sulat ni Malcolm bilang caption sa kanyang Instagram post.

Nagkomento naman rito ang batikang kolumnista at showbiz insider na si Cristy Fermin at sinabi pang tila nagagalit na ang ama ni James dahil sa mga balitang kumakalat, “Ayan, nagalit ang tatay ni James Reid. Fake news daw ang mga naglalabasang kwento na sa America na hahanapin ng kanyang anak ang magandang kapalaran." 

Dagdag pa niya, “Dadalawin lang daw ni James ang kanyang kapatid, hindi raw siya maghahanap ng trabaho sa bansa ni Uncle Sam."


Dito na niya ikinuwento kung papaano naging nakakairita si Malcolm. Panimula niya, lagi raw itong nakikisawsaw sa mga isyu ni James. 

“Hindi nakapagtataka ang pakikisawsaw ng ama ni James Reid sa issue. Kahit naman nu’ng kasagsagan ng popularidad niya ay laging kasali ang tatay niya sa maraming kuwento."

“Stage father ang tatay ni James. Palagi itong kasali sa aksyon na ikinairita ng mga nangangalaga sa career ng binatang aktor,” komento pa ni Cristy sa buhay ng ama ni James.

Post a Comment

Previous Post Next Post