Heaven Peralejo, viral nang makita ng netizens kasama ang bagong niyang baby

- Sa kasagsagan ng usaping Janelle Lewis at Kiko Estrada, nagpost sa Instagram account si Heaven ng bagong daw niyang 'baby'

- Nilinaw naman ni Janelle Lewis na walang asahang naganap sa pagitan nila ni Heaven dahil matagal na itong break bago naging sila

- Marami naman sa netizens ngayon ang naghihintay ng reaksyon ni Heaven sa balitang ito at mukhang ito na nga ang hinihintay na sagot ng mga marites

Usap-usapan ngayon sa Instagram ang bagong post ni Heaven Peralejo kasama daw ang kanyang bagong 'baby' sa kanyang mabilisang trip habang maugong pa rin ang balitang may relasyon na ang kanyang ex-boyfriend na si Kiko Estrada.

Kamakailan ay naging mabilis kumalat ang mga litrato ng Kapamilya actor na si Kiko Estrada kasama ang 2021 Miss World Philippines 2nd Princess Janelle Lewis na pinag-usapan na rin sa iba't-ibang sulok ng internet.

Nang tanungin naman siya patungkol sa bali-balitang sila na ng aktor, hindi naman niya dinepensahan na wala silang relasyon. Sa katunayan, tila nagulat pa nga daw ito na biglaang nag-viral ang TikTok video nila ni Kiko. 

Wala naman daw nangyaring ahasan sa pagitan nila ng ex-girlfriend ni Kiko na si Heaven Peralejo dahil matagal na daw itong hiwalay bago siya makipag-relasyon sa aktor. “They were finished a few months before I came in to the picture... Minsan po it’s very intimidating, kasi siyempre he’s been in the industry about 10 years now.”

Samantala, abang-abang naman ang mga marites sa magiging reaksyon ni Heaven lalo na't ex-boyfriend niya ang naging usap-usapan ngayon. 

Sa tingin naman daw ng ilang netizens, ang bagong post daw ni Heaven Peralejo na may caption na “quick trip w my new baby” kasama ang bagong alagang aso niya ang naging sagot niya sa relasyong Kiko-Janelle. Pinost niya ang litrato sa kanyang Instagram account nito lamang February 2.

Post a Comment

Previous Post Next Post