Jericho Rosales ipinasilip ang bagong tahanan sa New York, doon na nga ba maninirahan?

- Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Jericho ang bagong bahay nilang mag asawa

- Ikinuwento pa nito ang agad na ginawa ng asawa pagkadating nila

- Hindi naman nilinaw pa ni Jericho kung magtatagal sila doon at babalik ng pinas

Sa kaniyang Instagram account ay masayang ibinahagi ni kapamilya actor Jericho Rosales ang bagong bahay nila ng asawang si Kim Jones sa New York, USA.

Ibinahagi nito ang larawan nilang dalawa kaakibat pa ang mga ganap nilang mag-asawa kung saan si Kim ay naghahanap ng palengke at siya naman ay animong nasa pinas at nag aabang sa taho.

"Sa Bagong Haybol Sa Big Apol
Kim on google maps : saan ang palengke…? 
Me sa bintana : ano’ng oras dadaan ang taho?," caption pa nito.

Sa sumunod na IG post ni Jericho ay ibinahagi niya ang video kung saan magsisimula na siyang mag hugas ng mga plato.

"Akala mo porket nasa New York ka wala ka nang kawala ha... Wala kang ligtas beshie," sabi pa ni Echo.

Hindi naman malinaw kung pansamantala lamang itong pananatili nila sa New York o for good na nga ba ang lahat.

Post a Comment

Previous Post Next Post