Jona, dinurog ang basher na sinabing lumingon sa pinanggalingang network

- Pinatulan ng Kapamilya singer na si Jona ang isang netizen na sinabing matutong magpasalamat sa pinanggalingang network

- Maayos na nag-komento si Jona at naglapag pa ng isang talata sa mula sa isang news site bilang depensa sa basher.

- Matatandaan kasing nagmula si Jona noon sa GMA-7 bago lumipat sa Kapamilya Network na nagpalaki sa kanya nang husto

Mayroong payo ang nag-iisang 'Fearless Diva' at Kapamilya singer na si Jona sa mga kapitbahay na 'marites' na walang ibang ginawa kundi makipag-tsismisan. Sabay post ng isang picture kung saan makikita siyang nag-hair flip.

“Pag narinig mong pinagtsitsismisan ka ng mga Marites mong kapitbahay… Pero girl… walk past ka na lang, just flip your bangz and say ‘Lord bless them’…. coz you know you are better than that,” caption ni Jona sa kanyang Facebook post habang pinapakita ang kanyang outfit para sa variety show na 'ASAP Natin 'To'. 

Hindi rin nakaligtas si Jona sa mga bashers. Ayon sa isang nagkomento, sana raw ay may “feeling of gratitude” siya kung sino ang nag-develop sa kanya bilang isang singer. Maayos at mahinahon naman nitong ni-reply-an ang basher at naglapag pa ng isang talata mula sa isang article ng isang news site. 

“Sana may feeling of gratitude kung sino ang nag-develop sa’yo. Lingon-lingon din sa pinanggalingan,” sabi pa ng basher. 

Sagot ng ex-Kapuso singer, “Hi Dorotea! Kindly click and read the whole article. Just in case you missed reading this, here it is,” ayon kay Jona habang inilagay ang ilang mga talata mula sa news article patungkol sa Kapamilya star.

“Jona on being grateful to GMA-7 and ABS-CBN: ‘Sobrang nagpapasalamat ako doon. And nagpapasalamat din ako sa GMA for understanding, for allowing me and for ALL the support din nila sa akin noong mga panahon na iyon. Thankful din naman ako sa ABS din noong simula na iyon kasi in-open din nila iyong door para sa akin.” dugtong pa ni Jona sa kanyang comment. 

“Thank you and have a good day!” Dagdag pa niya.

Post a Comment

Previous Post Next Post