Misis ni Baron Geisler, may matapang na patama sa 'kumakabit' sa asawa niya

- Naglabas ng saloobin ang asawa ni Baron Geisler nang mag-book umano ang isang Viva talent sa kanilang bahay upang makainuman ang aktor

- Nagbigay rin ito ng clue at sinabi pang ang aktres na may kabit na papel sa pelikula ay nadala na sa totoong buhay

- Makalipas ang ilang oras ay wala na sa Facebook account ni Jamie ang kanyang post na patama sa isang Viva artist 

Umalma si Jamie Marie Geisler, asawa ng aktor na si Baron Geisler, ang isang aktres umano na nag-book pa ng kotse upang mag-inuman kasama ang aktor sa kanilang bahay.

Dito na naglabas ng saloobin si Jamie at nagpost na sa kanyang Facebook account ng komento na sinasabing naka-tag rin daw si Baron Geisler.

“Booking a car for a married man to go drinking at your place ain't cool. It is very unbecoming of a single Christian woman. I support and respect my husband's craft, but I don't tolerate such disrespect. So, let's keep it professional.” maanghang na post ni Jamie.

Ayon pa kay misis, isa sa pagiging kabit na role ay nadala na ng aktres sa totoong buhay. Pinakiusapan rin niya ang Viva na sana ay turuan ang kanilang mga talents at starlets na lumabas sa pagiging karakter sa isang pelikula.

"Kabit sa movie, nadala in real life"

"I suggest you train your talents/starlets to learn how to get out of character. Viva Artists Agency"

May paglilinaw rin siya patungkol sa kanyang komento na hindi siya nag-post nang ganoon upang ipahiya ang aktres. Sinabi rin niyang ginagawa umano ito ng aktres upang sumikat sa mundo ng showbiz.

"This post is to encourage setting boundaries. I don't intend to humiliate anyone, but I value my mental health and my family. Wrecking a family shouldn't be an avenue to get famous... Know your place," dagdag niya pa.

Samantala, hindi na makikita sa ngayon ang naturang post sa Facebook account ni Jamie pagkatapos ng ilang oras. Ngunit nilinaw naman niyang nasabi lang niya iyon dahil sa kanyang emosyon. Sinabi rin niyang hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila ng aktres. 

"Thank you for your kind words, friends. I'm sorry to vent my frustration here, so classless of me. However, I considered her my friend, and she is aware that my husband has a drinking problem. I sent her a personal message to no avail, so I had to get my message across. I know a lot of women can relate to my situation. Please don't bash her, she is a nice person. Maybe she just wasn't thinking right. Praying God will take away the anger in my heart," paglilinaw pa ni Jamie.

Post a Comment

Previous Post Next Post