Nadine Lustre, may sinabi patungkol sa pagbubuntis: “I would rather...”

- Sinabi ni Nadine Lustre na mas gusto niya raw muna sa ngayon ang mag-ampon kaysa magbuntis

- Bukas rin naman daw siya sa ideyang kung sakaling siya ay magbuntis

- Inamin rin niyang dati raw ay mas gusto niyang magkaroon ng dalawang anak ngunit nagbago ang kanyang pananaw ukol dito

Sikat ngayon ang mga tinatawag na “celebrity babies” ng mga sikat na artista tulad ni Angeline Quinto na napabalitang buntis na noong Disyembre 2021.

Ngunit kung si Nadine Lustre ang tatanungin, mas gugustuhin niya munang mag-ampon kaysa magbuntis. Isang bagay na binigyan niya ng dahilan.

Kung noon daw ay mas gusto niya ng dalawang anak, sa ngayon daw ay mas pipiliin niya munang mag-ampon sa kadahilanang maraming bata ang mas nangangailangan ng kalinga. Naging sagot niya ito sa tanong ng celebrity cosmetic surgeon na si Aivee Teo, kung ilang baby ang gusto ng aktres.

“Because of everything that has been going on. Before every time people would ask me that, I would say two. But now I’d say wala. I don’t want to have kids right now. That’s where my head’s at. Just because there’s so many people na on earth,” pagpapaliwanag ni Nadine.

“I do believe that there are a lot of kids who don’t have parents and who need to be taken care of. So I feel like if I do want to have a kid, I might just adopt,” dagdag pa ng aktres.

“If I get pregnant, I’ll go with it. But right now, that’s where my head’s at – I would rather adopt.” dugtong niya pa sa kanyang pagpapaliwanag.

Post a Comment

Previous Post Next Post