Ogie Diaz, inamin na kung tunay nga bang buntis si Liza Soberano!

- Pinaghihinalaan ngayon ng mga marites online na buntis ang Kapamilya star na si Liza Soberano 

- Ito ay dahil napansin ng ilan na tila nagkaroon ng paglaki ang tiyan ng aktres na makikita sa larawan

- May nilinaw naman ang talent manager hinggil sa mga kumakalat na pictures ni Liza sa internet

Pinagchi-chismisan ng mga marites online ang bagong labas na larawan ng Kapamilya actress na si Liza Soberano na pinaghihinalaang buntis ng mga netizens.

Ito raw ay dahil tila mapansin ng mga tao na parang lumalaki raw ang tiyan ng aktres sa nasabing litrato habang dumadalo sa isang selebrasyon.

Ang larawang daw ito ay noong umalis ng Pilipinas sina Liza at Enrique Gil upang magbakasyon sa ibang bansa nang magkasama.

Ngunit agad-agaran namang nilinaw ng talent manager ni Liza na si Ogie Diaz ang mga haka-haka na ito sa kanyang YouTube channel at iginiit pang hindi raw totoo ang mga balitang ito.

Bukod pa riyan, talagang pinilit ng mga marites na tunay na buntis ang aktres dahil sa recent video upload ni Liza sa kanyang Instagram account.

Doon ay makikitang pumupunta sa fitting room ang aktres habang may hawak na bulaklak at chocolate na nakasuot ng pink fitted dress. Giit pa ng netizens, litaw daw ang baby bump ni Liza sa video ngunit natatakpan lang daw ng kanyang mga hawak. 

Hindi naman mga negatibong komento ang mga natatanggap ng Kapamilya star. Sa katunayan, natutuwa pa nga ang ilang fans ng aktres kung sakaling totoong buntis si Liza.

Post a Comment

Previous Post Next Post