Ogie Diaz pinayuhang sana'y mag-usap ng maayos sina Carlo at Trina at itigil na ang parinigan

- Sa kaniyang YouTube vlog ay nagbahagi ng kanilang opinyon sina Mama Loi at Ogie Diaz sa isyu ng hiwalayang Carlo at Trina

- Kamakailan ay nagbahagi ng cryptic post ang dalawa na tila parinigan nilang dalawa

- Nagbahagi naman ng payo si Ogie para sa dalawa 

Sa kaniyang YouTube vlog ay napag-usapan nina Mama Loi at Ogie Diaz ang pinag-uusapang chismis na hiwalayan nina Carlo Aquino at Trina Candaza.

Nauna na kasing nagparinig si Trina Candaza sa kaniyang facebook post na tila sinasabing hindi na umano magbabago pa ang pag-uugali ng isang lalaki na may katagpuan agad na ibang babae.

Sa kaniyang Instagram account naman ay nagbahagi ng maikling cryptic post si Carlo Aquino na tila patama niya sa naturang unang post ni Trina.

"Silence and coffee, Silence and coffee," ang matalinhagang post ni Carlo.

Ayon kay Ogie na sa kaniyang opinyon ay tila nais ipakahulugan ni Carlo na mananahimik lamang ito sa isyu at mag o obserba sa kung ano ang mga susunod na mangyayari.

Nagbigay naman siya ng payo sa dalawa na mabuting pag-usapan na lamang ito ng masinsinan at huwag ng daanin pa sa parinigan.

"Hangad pa rin namin na sana na kung hindi na kayang magkabalikan... eh maanong mag-usap na lamang silang dalawa at maging responsable at mapagmahal na magulang sa kanilang anak na si Mithi, maging magkaibigan na lamang sila para sa anak nila," ani Ogie Diaz.

Post a Comment

Previous Post Next Post