PGT Finalist Mark Joven Olvido inaresto dahil sa droga sa pangalawang pagkakataon

- Muli na namang nasangkot sa droga si PGT Finalist Mark Joven Olvido

- Naaresto ito matapos mahuling nagbe-benta ng droga

- Matatandaang nahuli na rin ito noong nakaraang taon dahil din sa droga

Nadakip ng kapulisan si PGT Finalist Mark Joven Olvido nitong February 18 sa Sitio San Miguel, Barangay Duhat, Sta. Cruz, Laguna sa isang buy-bust operation.

Naaresto ito matapos na magbenta siya ng droga na nagkakahalaga ng P500, kaakibat pa ang dala dala niyang droga pa na tinatayang nagkakahalaga ng P85,000.

Si Mark Joven Olvido ay nakilala matapos na sumali sa Pilipinas Got Talent noong taong 2018, kinaaliwan siya ng marami dahil sa nakaka aliw nitong pagbi- vape.

Samantala matatandaang nahuli na rin noong nakaraang taon ng May 2021 si Joven matapos na sitahin siya ng pulis habang namamasada siya ng tricycle, dahil sa pagiging arogante niya ay natuklasan ng pulis na may dala-dala siyang droga, dahilan upang makulong ito.

Sandali lamang siyang nakulong nang sumailalim siya sa probasyon dahil sa plea bargaining agreement na naganap.

Sa pangalawang pagkakataon na nahuli siya ay malabo na umanong makapag-piyansa muli ito.

Post a Comment

Previous Post Next Post