Source ni Cristy Fermin, may chika kay 'amnesia girl': “wala siyang prinsipyo!”

- Muling nagsulat si Cristy Fermin ng isang artikulo sa isang news site upang ikwento sa publiko ang chika ng kanyang source

- Walang sinabi na pangalan, sinabi niyang si 'female celebrity' ay pumanig sa partidong nagpasara sa kanyang network

- Muli niya pang binalikan ang isa pang balitang pinagpalit ni female celebrity ang kanyang 'kaluluwa' para sa malaking halaga

Hindi nakapagpigil si Cristy Fermin na sumulat ng isang artikulong may kinalaman kay 'female celebrity' na walang prinsipyo. Nito lamang February 12, sa ganap na alas dose ng umaga, ikinuwento niya ang sinabi sa kanya ng kanyang source sa news site na Pilipino Star Ngayon.

Panimulang ulat ni Cristy, tila busog na busog daw ngayon ang female celebrity dahil sa mga pinapakaing ampalaya sa kanya ng mga bashers. “Busog na busog din ang isang female personality sa pagpapakain sa kanya ang ampalaya ng mga bashers. Apdo rin ang iniinom niya ngayon.” pagsisimula ng kanyang chika.

Dito na nga niya sinimulan ang pagku-kwento kung ano na nga ba ang sinabi sa kanya ng source. “Hindi lang siya ang masyadong nasentruhan ngayon sa pamba-bash, hindi naman kasi siya relevant, pero kung tutuusin, e, mas malala pa nga ang ginawa ng babaeng ‘yun!” 

“Imagine, ang sinamahan niyang kampo, e, ang mismong kumalaban sa network na pinagseserbisyuhan niya! Hindi ba naman kawalan ng loyalty sa istasyong pinakinabangan  niya ang ganu’n?” kwento raw sa kanya ng sarili niyang source.

Naiinis na komento pa nga raw ng source niya, “Kung ‘yung isang female personality na ipinapako sa krus ngayon, e, nabubutasan lang sa pagpapakilala sa pulitikong humarang sa franchise ng kanilang network, e, mas matindi ang ginagawa ng female personality na ito!

“Kasama niya mismo sa partido ang taong kumontra sa kalayaan ng network nila! Nakakaloka ang babaeng ‘yun, wala siyang prinsipyo! Nasa talampakan ang kawalan niya ng utang na loob!”

“E, ano pa nga ba? Alangan namang hindi niya alam na kinalaban ng kapartido niya ang network nila nu’n? Bulag at bingi ba siya?” 

“Kunsabagay, utang na loob ba kanyo? Wala naman kasi sa bokabularyo niya ‘yun! Napakaraming tumulong sa kanya nu’ng walang-wala pa siya, pero kinukumusta man lang ba niya ngayon ang mga taong inaabala niya tungkol sa datung?” 

“Waley! Amnesia girl siya, walang naaalala! Sabi nga, aanhin mo ang mansiyon kung malaki naman ang iyong puson? Sapul ang tabachingching na female personality na ito!” nakataas daw ang kilay ni source habang patapos na siyang magkwento.

Post a Comment

Previous Post Next Post