Sue, sinabing tila naging si Kris Aquino siya bilang si Lexy sa 'Broken Marriage Vow'

- May kwento si Sue Ramirez patungkol sa isang eksena na tinawag niya bilang 'very Kris Aquino moment'

- Sabi pa ni Sue ay hindi talaga kasama sa script ang eksenang iyon at laking tuwa pa nang mag-trending ang nasabing scene

- Nagpasalamat naman ang aktres sa mga positibong komentong natatanggap niya bilang 'kabit' sa kanilang serye

Hindi napigilan ng Kapamilya star na si Sue Ramirez na i-kwento ang isang eksenang ginampanan niya na inahalintulad niya kay Kris Aquino sa 'The Broken Marriage Vow'.

Aniya, hindi raw kasi talaga kasama ang isang eksena kung saan sisigaw ang karakter niyang si Lexy ngunit agaran daw siyang sinabihan na kailangan niyang gawin ito.

Sasaksakin kasi dapat ni Dra. Jill Ilustre (Jodi) ang 'kabit' ni David (Zanjoe) na si Alexis o mas kilala bilang si Lexy Lucero na ginampanan ni Sue Ramirez. Ang eksena namang ito ay nasa imahinasyon lang ni Dra. Jill.

“Right then and there, nakatutok sa akin ‘yung camera. Sinabi sa akin ni Direk Connie (Macatuno), ‘sigaw!’ So sumigaw ako kung paano magiging reaksyon mo ‘pag sasaksakin ka na ng tao,” ayon kay Sue sa Kapamilya Chat ng ABS-CBN Entertainment sa kabilang YouTube channel.

Chika pa ng aktres, inakala nga raw niyang tatanggalin sa serye ang sigaw niya at laking gulat pa ng isama ito sa trailer. “Natuwa ako kasi akala ko hindi magagamit ‘yung sigaw, na baka i-edit out o tanggalin. Tapos nilagay pa sa trailer, so naging Kris Aquino moment ko ‘yung sigaw na ‘yun.”

“Very Kris Aquino moment sa mga horror movies niya so ‘yun talaga ‘yung tinatawag ko dun. Sobrang nakakagulat,” paghahalintulad niya kay Kris Aquino na binansagan bilang 'Horror Queen of Philippine Cinema'.

Chinika rin ni Sue na nagpapasalamat siya sa mga positibong reaksyon ng manonood sa kabila ng pagiging kabit niya sa trending teleserye. Mapapanood ang The Broken Marriage Vow sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel. Pwede rin online via iWantTFC, TFC, VIU, at Kapamilya Online Live.

Post a Comment

Previous Post Next Post