Vicki Belo, nagpakita ng tip upang mawala ang 'eyebags' at 'dark circles'

- Nagpakita muli ng isang 'skin care procedure' si Vicki Belo sa kanyang TikTok account na ngayon ay para sa mga mata naman

- Doon ay ibinahagi niya kung paano mawawala ang mga eye bags at dark circles sa parte ng inyong mga mata

- Nagpunta kasi ang social media personality na si Reiger Mar upang magpatulong kay Vicki Belo na alisin ang nasabing skin discoloration

Pagkatapos ng mga kilalang artista na tanggalin ang mga insecurities nila sa katawan, ang social media celebrity naman na si Reiger Mar ang sumabak sa mga 'procedures' na ginagawa ni Vicki Belo.

Ayon dito, gusto daw niyang magpatulong kay doktora sa kanyang mukha partikular na sa bahagi ng ibaba ng kanyang mata upang alisin ang mga 'skin discoloration' na namumuo doon.

“I'm telling doc that I need extra help with my under eyes. Ang lalim niya, we're gonna do an under eye thread. We're gonna put some here as well (habang tinuturo ang kanyang pisngi). 'Cause you know I have chubby cheeks. Let's try to make it pantay.” panimula niya sa video. 

Sa pagsisimula ni Belo, sinabi nitong pagkatapos lagyan ng “cream anesthesia” ang ibabang parte ng mata ni Reiger, inayos na nila ito at nilagyan pa ng eye thread. 

Ilan sa mga benepisyo daw ng nasabing procedure ay ang pagliit ng eyebags at dark circles, pinapabuti ang pagdaloy ng dugo, at nali-lift daw ang mga eyelids dahilan upang magising ang mga “lazy muscles” sa parte ng kanyang mukha. 

Nagbahagi naman siya ng before and after photo bago matapos ang TikTok video.
@vicki_belo Excess baggage 👀 @reigermar #skin #skintok #skincare101 #cosmetics #dermatologist #threads #fyp ♬ Steven Universe - L.Dre

Post a Comment

Previous Post Next Post