AJ Raval, parang lasing daw sa concert; Binanatan ng mga netizens at chismosa

- Viral ang performance ni AJ Raval sa nagdaang concert nilang "Arat na Cebu" nito lamang March 26

- Kinanta ng sexy actress ang sikat na kantang "That's What You Get" ng kilalang rock band ng Paramore 

- May ilan pang netizens pa ang nagbiro sa boses ni AJ at pinagtawanan ito dahil tila 'lasing' si AJ 'pag kumakanta

Viral ang pakulo ng sexy actress na si AJ Raval nang kantahin nito ang mga hit songs ng ilang mga sikat na banda noong nag-perform siya sa Cebu para sa isang concert nitong March 26.

Tampok rin sa "Arat na Cebu" concert sina Michael Pangilinan, Shanti Dope, Gloc-9, at present rin ang December Avenue. Ang naturang concert daw ay isang selebrasyon ng mga taga-Cebu bilang pag-recover sa dagsa ng typhoon Odette at ng COVID-19.

Hirit ng mga tao sa video ni AJ habang kumakanta ng "Stickwitu" ng Pussycat dolls, “Ganyan talaga pag lasing na. Shot puno,” pagbibiro ng isang netizen.

Ganyan din ang naging reaksyon ng ilan habang kinakanta na ni AJ ang sikat na kantang "That's What You Get" ng Paramore. “Nakasurvive sa typhoon saka sa pandemic. Dumugo naman ang tenga sa boses ni AJ."

Pati nga ang proud 'marites' na si Senyora ay napa-react din sa performance ng sexy star. Tiyak na 'naguluhan' ito dahil nag-post pa ito ng isang screenshot ng kanyang message kay AJ.

Saad ng kanyang message, "Ano ba nangyari sa Cebu, AJ? Vinideoke mo naman"

Pati sa Facebook caption nito ay hindi niya pinalagpas ang pagkakataong sabihin na sana raw next time ang 'Kitchie Nadal Medley' naman ang kantahin ng aktres.

“Ewan ko sayo. Paramore pa talaga binanatan mo. Bawi next time! Yung Kitchie Nadal Medley naman.” caption nito sa viral Facebook post.

Post a Comment

Previous Post Next Post