Andrea Brillantes, nakitang suot ang jersey ni Ricci Rivero; May relasyon na raw ayon sa mga marites

- Kalat ngayon sa social media ang mga litrato ng basketball star na si Ricci Rivero at ni Andrea Brillantes na hinihinalang may relasyon na di umano

- Makikita rin na ipinost ng isang Facebook page na tila suot-suot ni Andrea Brillantes ang jersey umano ni Ricci Rivero

- Kabilang rin ito sa binigyang pansin ng pambansang marites na si Xian Gaza bago pumutok ang 'bardagulan' nila ni Valentine Rosales

Maraming netizens ang napaisip bigla nang lumabas sa social media ang litrato nina Kapamilya star Andrea Brillantes at basketball personality na si Ricci Rivero na magkasama umano sa isang restaurant kasama pa ang isang staff base sa mga kalat na pictures.

Na-feature rin sila sa Facebook page na “Davinci Quotes” kung saan nagpost ito ng isang resibo na makikitang suot-suot ni Andrea ang basketball jersey ni Ricci na may numerong '25'.

Kabilang rin ito sa isa pang tinalakay ng self-proclaimed pambansang marites na si Xian Gaza sa kaniyang Facebook post kamakailan. Kasamang naka-attach dito ang nasabing pictures nila Andrea at Ricci at may kasama pang nakaka-intrigang caption. 

“Isyus Manager, pakialam kung bakit sila magkasama. Hindi ka sasahod sa akinse hangga’t ‘di mo nalalaman,” sulat nito. 

Bago pa ito ay matatandaan ring napagbulungan ng mga netizens na tila may namamagitan na raw sa dalawa dahil sa mga caption nila sa Instagram. 

“Hi,” caption ni Ricci habang kasama ang petsang “2/22/22”.

“Hello,” sulat naman ni Andrea kabilang ang petsang “2/22/22”.

Marami namang netizens ang nagsasabing mayroon na raw relasyon ang dalawa at ang ilan ay sinasabing nagkataon lamang ang mga 'resibo'. Wala namang kumpirmasyon ang dalawang panig hinggil dito.

Post a Comment

Previous Post Next Post