Andrea, gusto na raw 'i-out' ang relationship kay Ricci; Ayaw raw kay Seth dahil sa isang katangian nito?

- May chika ang isang host ng "Ogie Diaz Showbiz Update" tungkol sa namamagitan umano kina Andrea Brillantes, Ricci Rivero, at Seth Fedelin

- Napag-usapan din nila na 'ayaw' na raw ni Andrea sa ka-loveteam nitong si Seth sa kadahilanang 'babaero' raw ito

- Ibinuking pa niyang tila gusto na raw 'mag-out' ni Andrea sa relationship status nila ni Ricci upang hindi na ma-link kay Seth

Isa sa pinag-uusapang topic ngayon sa social media ang namamagitan umanong relasyon ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa basketball star na si Ricci Rivero.

Matatandaan kasing umugong nito lang Marso ang litrato nina Andrea at Ricci na magkasama sa isang lugar kasama pa ang isang staff ng kinainan nilang restaurant.

Agad namang nakuha ng dalawa ng atensiyon ng mga netizens kasama pa ang self-proclaimed "Pambansang Marites" na si Xian Gaza. Paulit-ulit ding nai-repost sa internet ang jersey na binigay umano ni Ricci kay Andrea.

Kaya naman hanggang ngayon ay agaw-pansin ito dahil pa mayroong ka-loveteam ngayon si Andrea na si Seth Fedelin na nagtambal na sa ilang mga hit series at movies.

Napag-usapan rin ito nila Mama Loi at Tita Jegs sa "Ogie Diaz Showbiz Updates" ni Ogie sa YouTube dahil nga viral topic ito partikular na sa Facebook.

Naguguluhan pa rin hanggang ngayon ang mga fans ni Andrea dahil hindi pa rin tukoy kung 'in-love' pa rin ito kay Seth o na kay Ricci na ang atensiyon ng dalaga.

Kaya naman 'di nakapagpigil si Tita Jegs na tanungin kung ano na ang status nila ni Seth.

“Sabi ng source ko, parang gusto na rin daw ni Andrea na mag-out doon sa relationship status nila ni Ricci para hindi na siya ma-link romantically kay Seth," agad na sagot ni Mama Loi.

Sunod na tanong ni Ogie, "Bakit ayaw na niya kay Seth?”

“Eh babaero daw.” ani Mama Loi.

“Nako, kailan malinawan natin yan mula kay Seth. Kung babaero ba siya at kay Andrea naman kung gusto na niyang aminin na sila na ni Ricci. Pag sinabi niyang gusto na niyang mag-out, ibig sabihin sila na,” reply naman ni Ogie sa kanya.

Post a Comment

Previous Post Next Post