Chito Miranda, mayroong sugar baby? Tinawag ang sarili bilang sugar daddy

- Natawa nalang ang netizens sa caption ni Chito Miranda kasama ang kanyang asawa habang nagbabakasyon sa isang resort

- Ayon kay Chito, mukha lang naman daw siyang 'sugar daddy' ni Neri ngunit ang katotohanan daw ay mas mayaman pa ang kanyang asawa

- Binansagan rin niya si Neri bilang 'Sugar Baby' at tinawag pa ito bilang kanyang pangarap na Jackpot

Tuwang-tuwa ang mga followers ng lead singer ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda sa komento nito sa kanyang asawang si Neri Miranda.

Pabiro kasing pinagtawanan ng OPM icon ang kanyang itsura kasama si Neri kung saan nagbabakasyon silang dalawa sa isang resort.

Ayon dito, nagmukha raw siyang sugar daddy ni Neri ngunit ang katotohanan daw ay mas mayaman pa nang husto ang kanyang asawa kaysa sa kanya.

“Mukha akong sugar daddy nitong batang ito,” sulat niya sa isang post habang mayroong smiley face at peace sign sa caption.

“For the record, at hindi naman sa pagmamayabang (medyo lang siguro). Nakakahiya nga kasi yung huling regalo ko sa kanya nu’ng birthday nya, dalawang extension cord.” aniya. 

Pahabol pa niya, “Siguro swertihan lang talaga ‘yan,” habang sumulat pa ng hashtag na “PangarapKongJackpot”. 

Nirepost din ni Neri ang nasabing picture at nagcomment pa si Chito dito ng, “Parang Sugar Daddy lang ako dito ha!

“Pero di nila alam na ikaw talaga ang aking ‘Sugar Baby’ kasi mas mayaman ka kesa akin at ako ang nireregaluhan mo ng kung anu-ano.”

Post a Comment

Previous Post Next Post