Christian Gaza, hinuhulaang si Leni ang mananalo, Marcos Jr. magpapa recount ng 4x?

- Sa kaniyang facebook account ay nagbahagi ng isang nakakatawang status si Christian Gaza

- Ibinahagi nito ang naganap na pagdagsa ng kakampink sa pasig

- Kaakibat nito ang tila panghuhula niyang magwawagi si Leni at magpapa recount muli si Marcos Jr.

Sa kaniyang facebook account ay nagbahagi muli ng kaniyang chika ang pambansang boy marites ng social media na si Christian Albert Gaza.

Sa kasagsagan kasi ng matagumpay na campaign rally ni VP Leni Robredo sa Pasig, kung saan tinatayang mahigit 137,000 ang dumalo, ay nagbahagi siya ng kaniyang chika.

Sinabi nitong masyado yatang nag sasaya ang kakampinks na nasa Pasig, kaakibat ang mga bilang ng mga buboto umano kina VP Leni at Marcos Jr.

"Tuwang-tuwa yung mga Kakampink eh 250K lang naman yung nasa Pasig. Yung solid 25M na boboto kay BBM eh nasa bahay, nanonood ng TV... pati yung 26M ni Leni sa buong Pilipinas. Close fight 1M lamang, papa-recount nanaman BBM 4x," ani nito.

Tila nga ba sinasabi niyang magwawagi si VP Leni Robredo na may lamang na mahigit 1M boto kaya naman magpapa recount muli si Marcos Jr. ng apat na beses, bagay na ginawa niya sa nakalipas na taon at maka-ilang beses na napatunayang natalo siya sa VP election.

Post a Comment

Previous Post Next Post