Ellen Adarna, nabuking ang dahilan kung bakit hindi agad mabuntis ni Derek Ramsay

- May ibinuking sina Cristy Fermin at mga kapwa-host nito na dahilan kung bakit 'di agad nabubuntis umano si Ellen Adarna

- Ayon sa mga hosts ay nagpakabit raw ng IUD si Ellen kung kaya't hindi siya agad-agad mabubuntis ng kanyang nobyo

- Naitanong pa ni Cristy kung ang pagpapakabit raw ng IUD ni Ellen ay noong sila pa ni John Lloyd Cruz o ngayong asawa na niya si Derek

Pinagkaguluhan ng mga viewers ang pagsasama-sama ng mga hosts na sina Morly Alino, Romel Chika at Nanay Cristy Fermin dito sa bago nilang showbiz YouTube channel na may pamagat na “Showbiz Now Na”. 

Tila nasa comedy bar kasi ang usapan nilang tatlo dahil talagang witty at nakakatuwa ang mga linya na kanilang binabato sa vlog. 

Kilalang matagal na stand-up comedian si Romel kaya naman mahusay at sanay na sanay na ito pagdating sa pagpapatawa. Habang sina Morly at Cristy naman ay nakilala na sa kanilang pagho-host sa mga programa. 

Ngayon naman ay mayroon ulit silang chikang ibinida patungkol sa mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna sa isyu kung bakit hindi pa nabubuntis si Ellen na matagal nang hinihintay ng mga netizens. 

“Whirlwind romance ito, nagkita isang gabi, nagkita ulit kinaumagahan, sa ikatlong araw sila na. Pero ang nakakatuwa, nauwi sa kasalan.

“Pero ang tanong Morly, bakit ba hanggang ngayon wala pang anak si Derek at si Ellen, e, iyon ang hinihintay (dahil) ng mga tao!” sabi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin. 

Sagot naman ni Morly, “Ang kasagutan…ay teka tatanggalin ko muna ang fake kong buhok,” pagpapatawa ni Morly habang hablot sa nakayuping papel sabay abot kay Cristy. 

“Ellen Adaran naka-IUD kaya hindi pa mabuntis ni Derek Ramsay,” ang nakasulat pala sa papel. 

Nagulantang naman si Romel Chika at napasabing, “Totoo?” 

Sagot ni Morly, “Yesss!” 

Ayon pa kay Cristy Fermin, “’Yun palang nakatanim na IUD sa bulaklak (pribadong parte ng katawan).”

“Pero bilib ako ha, napakaresponsable nilang magulang kasi bata pa si Elias ayaw pa nilang masundan. Kahit nga tatlong dosena kaya nilang mag-anak, eh.”

Naglahad naman ng opinyon si Romel patungkol dito. “Oo, saka nag-e-expect nga tayo sa loving-loving palang nila, di ba? Kahit pala magtatambling-tumbling sila hindi mabubuntis” 

“‘Yun na nga, nakukulitan na nga yata sa akin si Derek, sabi ko, ‘friend kelan ba kayo magkakaanak? Kelan ba magbubuntis si Ellen?’ Sabi ni Derek, ‘Hindi pa magbubuntis naka-IUD.’ Pero ang pangako next year daw tatanggalin na dahil gusto na nilang magkaanak,” saad naman ni Morly. 

“Yan ang abangan!” sabay na sigaw nilang tatlo. 

Pahabol na tanong pa ni Cristy, “Ito bang IUD ay ipinakabit ni Ellen nu’ng sila na ni Derek Ramsay o nu’ng sila pa ni John Lloyd Cruyz?”

“Yan ang susunod na sasagutin ni Derek Ramsay. Ha-hahahaha!” natatawang sagot ni Morly sa kanya.

Post a Comment

Previous Post Next Post