Ellen, nag-react sa netizen na nagsabing nagloloko si Derek at kilala ang third party nito

- Nakakatuwa ang comment ng isang netizen na nagsabing nanaginip umano siyang nangangaliwa si Derek Ramsay sa asawa nitong si Ellen Adarna

- Ayon pa dito, siya raw mismo ang third party sa panaginip na nagloloko si Derek

- Nag-reply naman si Ellen dito nang pabiro upang makisakay sa 'nakakalokang' komento ng kanyang follower

May nakakatuwang rebelasyon ang follower ng aktres na si Ellen Adarna nang mag-post ito sa kanyang Instagram nito lamang Lunes, Marso 14.

Ipinost kasi ng aktres ang isang video habang mapapanood ang isang "intelligent student" na taga ibang bansa habang may binabasa sa blackboard.

Marami naman ang napahanga sa estudyante dahil maliban sa mga bansang alam niya, natuwa rin ang netizens sa pagbigkas niya sa pangalan ng Pilipinas.

Tuwang-tuwa naman rito si Ellen kung kaya't napa-caption pa ito na may kasamang laughing emojis. “This is danggggarus (laughing emojis).”

Hirit naman ng follower ni Ellen, “Napanaginipan ko c Derek at ellen…nag cheat daw c Derek kay Ellen at ako ung third party LOL (laughing emoji).
“Nahiya naman sa beauty ko LOL. (laughing emojis) Ako pa talaga…jusmiyo!!! (laughing emojis). Galit na galit sakin c Ellen. Sorry Ellen ha, panaginip lang un (laughing emoji),” nakakatuwang comment niya.

Sagot ni Ellen, kung magkakaroon ng part 2 ang panaginip niya, maaaring patay na ito sa kwento. “Baka pagtulog mo mamaya may part 2 panaginip, patay kana sa panaginip mo (laughing emojis). lololol! Joke (laughing emojis)."

Pahabol pa ng netizen, “Hahaha agik ik jud nako pagkabuntag…gitudlo2x kuno ko nimo oi lol (lauging emoji).

“Kaatay atong damguha lamina (buwisit na panaginip yun). mamaya baka mapanaginipan ko ulit…layuan ko na c Derek pramis (lauging emoji).”

Post a Comment

Previous Post Next Post