Hidilyn Diaz meme viral dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina

- Tila kinatutuwaan ng netizens ngayon si Hidilyn Diaz

- Iba't-ibang memes at jokes kasi ang naglilitawan ngayon kaugnay ang ating gold medalist

- Unli fuel for life kasi ang naipagkaloob sa kaniya noong nanalo siya sa Olympics

Aliw ang mga post ng netizens patungkol sa patuloy na pag taas ng presyo ng gasolina ngayon.

Ugaling pinoy nga naman na kahit mahirap e nakakahanap pa rin ng katutuwaan ang bawat isa, ika nga smile pa rin sa gitna ng kahirapan.

Ngayon naman ay idinadawit ng netizens ang ating gold medalist sa Olympics na si Hidilyn Diaz dahil na rin sa kaniyang 'Unli fuel for life' na isa sa mga nakuha niya noong manalo siya ng ginto.

"BREAKING NEWS: Phoenix Petroleum, dumaing matapos hingan ni Hidilyn Diaz ng 100 liters mula sa kanyang lifetime free fuel.," ang nakakatawang hirit ni Christian Gaza.


"Magandang umaga po sa lahat except kay Hidilyn Diaz na tinawanan ang oil price hike," dugtong pa nito.


Marami ang napapa sana all dahil nga naman sa paglobo ng presyo ng gasolina ngayon dahil na rin sa patuloy na nagaganap na panggi giyera ng Russia sa Ukraine.

Post a Comment

Previous Post Next Post