Isyu nina Will Smith, inihalintulad ni Lolit kay Rudy Fernandez: "Talagang sinampal..."

- Nang mabalitaan ni Lolit Solis ang nangyaring pananampal ni Will Smith kay Chris Rock, napa-throwback ito dahil ganoon rin daw ang nangyari kay Rudy Fernandez 

- Nag-sulat ito ng caption na kung saan sinasabi nitong nakakagawa raw tayo ng mga bagay kapag galit na kalaunan ay pagsisisihan natin

- Aniya, parehong-pareho ang ginawa ni Will Smith at Rudy matapos magbiro si Bert Marcelo hinggil sa asawa nito

Trending ang isyu nina Will Smith at Chris Rock dahil umano sa pagbibiro ni Rock sa asawa ni Smith na kanya namang ikinagulat dahil 'nabiyayaan' siya ni Smith ng viral 'Oscar slap'. 

Ilang oras pa lang ang nakakalipas ay kanya-kanya nang paandar ang mga netizens sa paggawa ng memes sa nangyaring insidente. Ngunit mukhang napukaw nina Will ang atensiyon ni Lolit Solis dahil napa-throwback ito sa nangyaring pananampal rin noon na inihalintulad niya kina Smith at Rock.

Inalala ng kolumnistang si Lolit Solis ang yumaong si Rudy Fernandez sa pamamagitan ng pag-sulat muli ng isang kolum sa kanyang Instagram account.

Panimula ni Lolit, “Iyon init ng ulo talagang will make you do things na later on, pagsisihan mo rin, Salve. Siguro kung medyo pasensiyoso ka lang, maghintay ng 1 minuto para maalis ang init ng ulo mo, hindi mo magagawa iyon biglang silakbo ng galit.”

Parehong-pareho raw kasi ang ginawang pananampal ng foreign actor at ni Rudy. Nagbiro rin daw kasi si Bert Marcelo sa isang awards night hinggil kay Lorna Tolentino dahilan upang makatanggap ito ng sampal.

“Iyon ginawa ni Will Smith ganuon din ang nangyari kay Rudy Fernandez nang biruin ni Bert ‘Tawa’ Marcelo si Lorna Tolentino nuon sa isang awards night.

“Talagang sinampal na ikinabigla ng lahat dahil nga parehong well loved sa showbiz si Rudy Fernandez at Bert Marcelo.

“Iyon joke depende din kung paano tinatanggap ng binibiro mo. Pero iyon naman init ng ulo dapat din intindihin dahil emotional outburst iyon. Saka malaking bagay din na humingi ng apology iyon gumawa ng kasalanan,” sabi ni Lolit.

'Very manly' pa nga rin daw ito dahil nag-apologize sila sa kanilang maling ginawa.

“Ang hirap din gawin iyon pero nagawa nila bilang pagtanggap sa kanilang pagkakamali. Tanggapin natin na kahit sinong tao dumarating iyon moment na bigla ka nag-i-snap dahil hindi mo nagustuhan ang isang pangyayari.

“May araw na hindi maganda ang feeling mo kaya sensitive ka. We wish na sana hindi laging may nangyayaring ganito, pero kung meron man, tanggapin natin, dahil normal flow of life.

“One moment of madness na hindi mo mapigilan. Kaya huwag iinit ang ulo lalo ngayon na mainit ang panahon, bad bad iyan,” pagpapaalala ng kolumnista

Post a Comment

Previous Post Next Post