Jeric, nasasaktan sa nagsasabing kabit si AJ; Hindi hahadlangan kay Aljur?

- Hindi hahadlangan ni Jeric Raval ang pakikipag-relasyon ng anak niyang si AJ kay Aljur Abrenica

- Nasasaktan rin umano siya sa mga paratang na kabit si AJ dahil naniniwala itong pinalaki niya nang maayos ang aktres

- Natuto rin daw siyang huwag nang dibdibin ang mga negatibong komentong binabato sa kanyang anak

Maraming bashers, haters, at mga 'marites' sa social media ang binabanatan ang aktres na si AJ Raval dahil sa pagiging 'kabit' di-umano nito. Aminado naman ang ama ni AJ na nasasaktan umano siya sa tuwing makakabasa ng mga hate comments.

Aniya, sa isang video ng dating kolumnistang si Benny Andaya, nag-mamahalan umano ang anak niya at si Aljur Abrenica. Maayos naman daw kausap si Aljur ngunit mas pipiliin niyang sa ibang lakaki nalang mai-ugnay ang kanyang anak nang sa ganon ay hindi ito nababatikos ng netizens.

Masakit man para sa kanya ang mga negatibong komentong ito, hindi nalang dinidibdib ng action star ang 'di magandang pinaparatang sa kanyang anak.

"Masakit, siyempre, nasasaktan ako. Siyempre, inaalagaan ko ang anak ko, pinalaki ko nang maayos. Pag naririnig ko ang mga yun, pasok na lang dito, labas na lang dito" saad ni Jeric.

Minabuting pinayuhan naman niya ang dalawa na dapat ay maayos ang lahat dahil kahit anong gawin nila ay madadamay ang pangalan niya dahil siya ang ama ng aktres.

Post a Comment

Previous Post Next Post