Jericho Rosales, nag-viral dahil sa video clip ng pagiging ‘dishwasher’ nito: “jerichorosales lang sakalam!”

- Viral ang video ni Jericho Rosales kung saan makikitang naging ‘dishwasher’ ito sa ibinahaging TikTok video ng isang netizen

- Sabi sa uploader ng video, talagang tinulungan siya ni Jericho maghugas dahil mag-isa na lamang siya noong gabing iyon

- Nagbiro pa ang aktor at sinabing malakas daw kasing uminom at magpulutan kaya naman natambakan ng hugasin si ‘Melissa’

Viral at pinagkatuwaan ng mga netizens ang video ng Kapamilya award-winning actor na si Jericho Rosales dahil sa nakakatuwang paghuhugas nito ng pinggan sa isang bar.

Naaliw naman ang mga viewers ng nasabing video dahil natulungan niya ang staff ng bar na matatagpuan umano sa La Union.

Si melissayozel, isang bartender, ang uploader ng nasabing viral TikTok video. Tinulungan raw kasi siya ng aktor na hugasan ang mga natirang hugasin dahil mag-isa na lamang siyang staff sa bar. 

“Sinong artista pupunta sa likod ng bar para maghugas?! #jerichorosales lang sakalam!” caption pa ni Melissa na nakaakit sa atensiyon ng marami.

Nagbiro pa nga ang aktor dahil malakas raw umanong mag-inuman at magpulutan ang mga ito kaya naman lumobo ang mga kailangang hugasan ni Melissa.

“Masyado kayong malakas uminom. Kasalanan n’yo ‘yun, e. Malakas kayong uminom, nag-iisa lang siya,” biro pa ng Kapamilya star. 

Naikwento naman niyang noong Nobyembre noong nakaraang taon pa ang viral video clip ni Echo, base sa isa pa niyang video.

Ayon sa bartender, mag-isa lang siya noong panahon na iyon kaya naman siya na ang bartender at cashier, siya pa ang dishwasher. Nagkataon pa nga raw na nandoon ang aktor dahil kaibigan nito ang katrabaho niya.

“Nu’ng medyo pa-closing na, lumapit na siya. Dapat huhugasan niya lang ‘yung kanya pero nakita niya na marami nang baso. Sabi niya, ‘hugasan ko na ‘to ha

“‘Okay lang talaga. Naiintindihan kita. Waiter din ako dati, kaya okay lang sakin. At saka medyo lasing na ko, iniiwasan ko na mag-shot,’ sabi niya sa akin,” kwento pa niya.
@melissayozel Reply to @liaeiou . ayaw niyo ba talaga ng story time? hahahah sinong artista pupunta sa likod ng bar para mag hugas?! #jerichorosales lang sakalam! #jericho ♬ original sound - melissayozel

Post a Comment

Previous Post Next Post