Jhong 'Hilarious'? Netizens, na-aliw sa pagkatisod ni Jhong: "At dahil dyan..."

- Patok sa netizens ang video ni Jhong Hilario nang matisod ito sa isang nakausling semento ngunit idinaan na lamang niya ito sa pag-tumbling

- Solid ang mga komento dito dahil walang makikitang panlalait kundi mga pampa-good vibes na comments lamang ang present sa page kung saan naka-upload ang video

- Labis-labis ang saya ng netizens at nag-iwan pa ng papuri sa actor-politician

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa video ni Jhong Hilario kung saan makikitang tumatakbo ito paikot sa kalsada sa Makati.

Kuha ang video mula sa Facebook page ng Street Boys, ang grupo noon ng actor-politician, na nakikipagkamay sa mga taong kanyang nadadaanan.

Maya-maya pa ay madadaanan ni Jhong ang isang nakausling semento dahilan upang siya ay matisod. Sa halip na tumayo, nagpakitang-gilas pa ito sa manonood nang mag-tumbling siya upang hindi ipahalata ang nangyari.

Tisod, tumbling, tayo, at nakipagyakapan pa sa ilang residente habang bakas na bakas sa mukha niya ang ngiti dahil sa nangyari.

“‘‘Kung sa pagtakbo ng buhay nadapa ka, ang unang una mong ggawin ay tumayo. Pero kung streetboys ka i-roll mo ang pagtayo’ – Councilor Jhong Hilario," caption ng Street Boys.

“Iba ka talaga bro full support kami sa ‘yo! We love you bro!” dugtong pa nito.

Hindi rin mawawala ang mga komento ng ilang Facebook users. “At dahil dyan, panalo ka na Jhong! Ahahaha.” sabi pa ng isa.

“Nice Kuys Jhong iba talaga sample king natin….God bless and Salute,” comment pa ng isang netizen.

Post a Comment

Previous Post Next Post