Kyle Echarri, nilinaw at ibinunyag na ang tunay na estado ng relasyon nila ni Chie Filomeno

- Inamin ni Kyle Echarri na talagang naging close umano sila ni Chie Filomeno nang pumasok sila sa loob ng bahay ni kuya

- Ngunit agaran din niyang nilinaw kung ano nga ba ang nasa pagitan ng relasyon nila ng aktres dahil na rin inamin ni Chie na 'crush' niya si Kyle

- Sinabi rin ni Kyle kung ano nga ba ang naramdaman niya nang isiniwalat ni Chie sa National TV na may gusto siya sa aktor

Nito lang Monday sa episode ng Kapamilya morning talk show na "Magandang Buhay", may pag-amin na ibinahagi ang Kapamilya singer-actor na si Kyle Echarri patungkol sa kanila ni Chie na talagang naging close umano sila ng aktres.

Ngunit nilinaw ng aktor na walang namamagitan sa estado ng relasyon nila ni Chie Filomeno at may paliwanag pa kung bakit palaging 'close' ang turingan nila sa isa't-isa.

Nauna rito, inihayag din ng aktres sa parehas na programa kung bakit niya nagustuhan si Kyle at may munting komento hinggil sa ugali ng aktor.

“Sino ba naman ang hindi magkakaroon ng crush kay Kyle. Sobrang talented niyang bata and ‘yung mindset niya very infectious,” ani Chie.

“‘Yung closeness kasi namin ni Kyle sa loob, it’s a special bond that we were able to create po kasi parang takbuhan namin ‘yung isa’t isa and he made me feel na puwede kong sabihin sa kanya ang lahat ng problema ko,” pagpapaliwanag niya.

Pagbabalik sa naunang paksa, naitanong naman ng hosts ng Magandang Buhay kung ano ang naramdaman niya nang isiniwalat ni Chie na mayroong siyang gusto sa aktor.

Sagot ni Kyle, “Siyempre thank you, naa-appreciate niya... Kaibigan ko naman po talaga si Chie. She’s been a very good friend, especially when I went to PBB house." paglilinaw niya pa kung bakit close agad silang dalawa sa loob ng bahay ni kuya.

“I think one of the reasons why we’re close because we went through the same thing in showbiz na parang tinatrato kami ng mga netizen na parang lahat ng mga ginagawa namin ay mali. ‘Yun ang pakiramdam namin,” aniya pa.

Wala naman daw namamagitan sa kanila dahil hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila ni Chie, "And we felt like we both have to prove something in ‘PBB.’ And I felt like we were both fighting for our spot inside the house. Kaya po siguro kami naging close. Pero more than that, yeah kaibigan ko po talaga siya.”

Post a Comment

Previous Post Next Post