Lalaking nang-holdap gamit ang laruang baril, natunton dahil sa kanyang ninakaw na...

- Dahil sa isang application ng isang mobile phone na kanyang ninakaw, natutunton ang suspek na nagnakaw sa Bacoor City, Cavite

- Nakilala ang suspek bilang helper sa construction hardware habang call center representative naman ang biktima

- Naganap umano ang insidente nito lang March 17 nang madaling araw habang naglalakad pauwi ang biktima galing sa kanyang trabaho

Nang dahil sa hirap ng buhay, maraming kababayan natin ngayon ang humaharap sa mga pinansiyal na krisis kaya naman kaliwa't kanan ang mga kapwa nating kumakapit sa patalim upang mambiktima ng mga inosente.

Ganyan ang nangyari nang mabiktima ng holdaper ang isang call center representative sa Brgy. Panapaan IV, Bacoor City, Cavite habang naglalakad siya pauwi kahapon, March 17, pasado ala-1:30 nang madaling araw.

Naholdap-an kasi siya ng isang 27 anyos na lalaki at tinangay pa ang kanyang mobile phone. Nai-report naman ito ni Christian Galicano, biktima, kay P/Cpl. Edilberto Reyes Jr. ng Bacoor City Police at naikwento pang naglabas umano ang suspek ng baril.

Ngunit napag-alamang pellet toy gun pala ang gamit ng holdaper na kasabay pang natangay ang ilang kagamitan ni Christian tulad ng iPhone 6 cellphone, 1 UGB at 79pesos cash bago nakatakas.

Malaking tulong ang isang mobile application na naka-install sa phone kaya naman nabawi ang mga gamit ng biktima. Nakilala rin si suspek bilang isang helper sa construction hardware at residente ng Lotus Bukid St., Brgy. Panapaan IV, Bacoor City, Cavite.

Post a Comment

Previous Post Next Post