Madam Kilay, may gustong ibuking patungkol sa 'may bayad na award' kamakailan?

- Nag-viral ang Facebook post ni Madam Kilay nang ibuking nito sa publiko na mayroon umanong nag-aalok sa kanilang magbayad upang magkaroon ng award ang kanilang skincare line

- Nauna rito, mayroon rin siyang post patungkol sa "scripted" na bagay na tila konektado sa nag-viral na post niya kamakailan

- Ngayon naman ay tila may gusto itong ipahiwatig na ibubuking niya di-umano ang tinutukoy nilang award giving body base sa kanyang followers

Naging maugong sa social media ang posts ng influencer na si Madam Kilay patungkol sa naganap na seremonya ng pagbibigay ng awards sa mga skin care line. Dito na nag-sunod-sunod ang tila mga patama nito sa nasabing okasyon.

Nauna niyang post na umani na ngayon ng ilang libong reactions, sinabi nitong scripted umano ang social media at walang kita kapag walang isyu, fans, at bashers.

Aniya, "PAG WALANG ISYU, WALANG FANS, WALANG BASHERS, EDI WALANG KITA. REALTALK GANYAN ANG SOCIAL MEDIA!!!" at may pahabol pang hashtag na "Scriptedisthekey".

Sumunod dito ang isang shared post niya mula sa kanyang account na Anderson Jinky na may caption na "Realtalk sa true Lang! wag ako" na mula sa isa pa niyang account. Nagpost kasi siya ng isang paliwanag kung bakit umano walang award ang kanilang products.

“marami po nag alok sakin ng award na kesyo Top si slimming-K and Madam Kilay for best influncer. Hindi ko po tinanggap ang award dahil May BAYAD ano un bbgyan ka ng award Pero mag babayad ka kung gusto mo umakyat ng stage and my photos mo SA screen. May mga package Kang pag pipilian KALOKA! Aakyat SA stage to get your trophy at mag salita P200K ??! pinaka mababa na P70K!!" caption nito.

Dagdag pa niya, "Hindi ako mag PAPABUDOL SA GNYAN! Kahit May pera ka pa mag focus ka SA quality ng product mo and alagaan mo!”

May post ulit si Madam Kilay na konektado di-umano sa mga nauna niyang posts base sa kanyang mga fans at followers. Excited na nga raw ang ilan sa "pasabog" na chika ng influencer.

"ANTAYIN MO YUNG REALTALK KO PARA MAGISING KA! teka" caption habang may peace na emoji.

Sa ngayon, wala pang update si Madam Kilay kung ito nga ba ay patungkol rin sa pagbabayad ng pera upang makakuha ng award. Ngunit pinagpe-pyestahan na ito ng mga marites ilang oras pagkatapos itong i-publish sa kanyang account.

Post a Comment

Previous Post Next Post