Moira sinagot ang isang netizen na sinabing 1-5 Million ang offer para mag perform sa Team Leni

- Masayang ibinahagi ni Moira na magpe-perform siya para sa presidential rally ni VP Leni

- Tila sinupalpal naman niya ang isang nagmamagaling na netizen

- Paratang kasi ng netizen na 1-5 Million umano ang bayad upang mag perform siya para kay Leni

Masayang ibinahagi at ibinalita ni Moira Dela Torre na magpe-perform siya para sa People's Rally ng team ni Presidentiable Candidate VP Leni Robredo.

Ngayong araw nga sa Zamboanga ginanap ang naturang rally, na ibinalita ni Moira sa kaniyang facebook page.

Tulad ng inaasahan ay may mangilan-ngilang negatibo ang kumento patungkol dito, kabilang na ang isang paratang ng isang basher.

"GG, 1 to 5 million per artist offer," ani ng isang netizen na sinasabing nabayaran o na offeran sila ng 1-5Million pesos para lamang mag perform kay VP Leni.

Ngunit mabilis na sinupalpal ni Moira ang pagbibida-bida ng naturang netizen at sinabing hindi siya bayad para rito.

"Hindi po kami bayad. Nag volunteer lang din po kami," tugon ni Moira kaakibat ang prayer emoji at ang pamosong pink rosas na emoji.

Post a Comment

Previous Post Next Post