Nabaon sa utang dahil sa pagkalulong sa sabong, anak na 9 months old ibinenta!

- Viral ngayon sa social media ang kuwento ng isang ina na nalulong sa sabong

- Dahil sa pagkalulong sa sabong ay nagkabaon baon ito sa utang

- Napag-isipan ng ina na ibenta ang kaniyang 9 months old na anak upang pambayad utang

Viral ngayon ang video ng oakikipag panayam ng Pasig News Today sa isang babaeng ibinenta sa di kilalang tao ang kaniyang 9 months old na anak.

Sa pagsasalaysay ng ina ay nabaon siya sa utang dahilan ng pagsa sabong at dala na rin ng stressed na nararansan sa malaking utang ay nag post siya sa facebook na ipapa adopt na niya ang kaniyang anak.

Dito nga ay matagumpay na nakakuha siya ng willing na mag a adopt sa kaniyang anak, nagkaroon pa ng negosasyon at presyuhan hanggang sa mauwi sa P45,000 ang napag usapan nilang presyo.

Matapos umanong matanggap ng babae ang pera ay saka lamang niya napagtantong mali ang kaniyang ginawang pagbebenta sa kaniyang anak.

Ninais umano niyang bawiin ang kaniyang anak mula sa bumili rito ngunit blinock na siya nito at wala na siyang ibang paraan upang ma contact pa ito.

Panoorin ang kabuuan rito:

Post a Comment

Previous Post Next Post