Nadine Lustre sa pagbabalik showbiz hindi na umano makikipag loveteam; "I'm already past that"

- Sa isang panayam ay ibinahagi ni Nadine ang isang bagay sa pagbabalik showbiz niga

- Inamin nitong hindi na umano siya makikipag lovetam pa

- Kasunod din nito ang pag alis din niya sa love stories o romantic genre

Sa isang panayam ay inihayag ni Nadine Lustre na sa kaniyang pagbabalik showbiz matapos ang mahigit sa dalawang taong pagpapahinga ay hindi na siya makikipag- loveteam pa.

“I feel like I’m totally past the love team phase,” saad ni Nadine sa ABS-CBN News.

“I do believe that it’s something a lot of celebrities really go through..

“It’s not a bad thing, though. A love team is a partnership. If you’re in a love team, you pull each other up. It’s really team work. Feeling ko I’m already past that. When you reached this age, feeling ko wala ng love team," pagpapatuloy pa niya.

Matatandaan ngang ilang taon ring namayagpag ang karera niya dahil sa naging matibay na loveteam nila ng dati ring boyfriend na si James Reid.

Kasunod naman nito ang pag-amin din niyang ayaw na muna niyang magkaroon ng love stories o romantic movies, nais umano niyang sumubok ng ibang genre naman.

“Gusto ko psychopath naman ako in my next project. Something different. Para naman exciting siya kung gagawin ko. Para iba din ang pakiramdam kung iba’t ibang characters ang gagawin mo.” pag-amin ni Nadine.

“Whatever happens, I’m open to it. Let’s see what happens. Sobrang na miss ko ang pag-arte. Ibang-iba talaga ang pakiramdam kapag umaarte at iba din ang feeling kapag nagpe-perform ka, kumakanta o sumasayaw.

“Ang na-miss ko talaga sa pag-arte, where you portray a character. I don’t mind doing thriller, action, horror. Scripts that are mind-boggling. Kapag binasa mo talagang mapapa-isip ka,” lahad ni Nadine.

Mapapanood si Nadine Lustre sa upcoming movie na 'Greed'.

Post a Comment

Previous Post Next Post