Nadine, nagbigay ng hint sa maaring pagtatambal ulit nila ni James Reid.. "If there's a..”

- Nagbabalik si Nadine Lustre sa pag-arte sa bagong horror-thriller movie na gagawin niya kasama si Diego Loyzaga

- Naibahagi rin ni Nadine na sobrang saya niya dahil iba na ang tema ng pelikula na kanyang gagawin at hindi na romance na kadalasan niyang ginagawa

- Nagbigay rin siya ng hint sa posibilidad na magtambal ulit nila ng dating nobyong si James Reid sa nalalapit na panahon

Ilang taon ring namahinga ang aktres na si Nadine Lustre sa pag-arte at ngayon ay balik-pelikula na sa pinakabagong horror-thriller movie ng Viva Films kasama ang aktor na si Diego Loyzaga. 

Mula kay Nadine, tila dream come true nga raw kung tutuusin na makatrabaho si Yam Laranas sa pelikula niyang “Greed” na nakatakdang ipalabas ngayong March 16 sa Viva Max. 

Sa virtual mediacon ng “Greed” ay naikwento ni Nadine kung gaano siya na-excite nang i-offer sa kanya ang nasabing proyekto. 

“Gustung-gusto ko ‘yung ‘Aurora’ ni Direk Yam. That’s one of my favorite films of Direk Yam. I know he likes thinking out of the box. He’s very adventurous with his scripts and his stories.

“When Boss Vic (del Rosario ng Viva) and Direk Yam pitched this ‘Greed’ project to me, sobrang na-excite ako. Ang saya ko din. Finally, the project is no longer romantic-comedy or drama. Horror-thriller ang ‘Greed,’ so very exciting din for me.” saad ni Nadine.

Ibinahagi niya pa kung paano nila nairaos ang pelikula lalo na't nanibago umano si Nadine sa pag-arte dahil namahinga ito ng tatlong taong hindi sumasabak sa acting. 

“Hindi ako humaharap sa camera, so there were times na nag-shoot kami lately, hindi ko na alam kung paano ako magpo-pose or mag-smile.

“Back to zero ang skills ko kasi nga, ang tagal kong hindi nagtrabaho. Nanibago ako. Although nag-music ako pero iba naman kasi ‘yung experience doon.

“Whenever I acted with Direk Yam for this film, ang feeling ko may kulang or may mali. Sobrang nakakapanibago. Eventually, natama ko with the help of Direk Yam and my co-actors,” kwento pa ng aktres.

Ayon pa rin sa aktres, umaasa siyang ang “Greed” ang magiging daan sa pagiging aktibo niyang gumawa ulit ng pelikula. “Definitely, I can finally say na tuloy-tuloy na ‘to. Of course, gusto ko na talagang bumalik sa acting scene.

“This is really something that I enjoyed doing. I’m really happy because this time around, everyone is really tying to make an effort into changing the genres and the stories that are being given to me.

“May effort na gusto talaga namin this time, ibang klaseng pelikula na ang gagawin ko. Before, sunod-sunod nga pero pare-pareho naman with rom-coms and dramas. Sana naman. I will be given more intense stories, so super exciting ang gagawin ko,” pahayag pa ni Nadine.

Dito na rin niya nabanggit na maaari pa rin silang magtambal ng ex-boyfriend na si James Reid sa isang proyekto sa future.

“I think it really depends at the end of the day. Si James has been very explorative with all of the things he wants to do. Let’s see. If there’s a good script, he’s probably game to do it. For now, I guess he really wants to focus more on his music,” sabi niya.

Post a Comment

Previous Post Next Post