Ogie Diaz ibinahaging hindi siya nagpapabayad sa mga ine endorso niya ngayong halalan

- Sa latest showbiz update vlog ni Ogie Diaz ay nagbahagi ito ng kwento tungkol sa Politics

- Napag-usapan nila ang patungkol sa kung siya ay inalok ng isang party list ay tatanggapin ba niya

- Mabilisan ang naging sagot niya lalo pa't ang naturang party list ay isa sa nag no to franchise ng ABS-CBN

Sa latest showbiz update vlog ni Ogie Diaz ay napag-usapan nila ng partner niyang si Mama Loi ang patungkol sa pagiging bahagi ni Karle Estrada sa isang party list.

Deretsahang tinanong ni Mama Loi si Ogie Diaz na kung siya raw ba ay inalok ng party list na maging kabahagi nila kagaya ni Karle ay tatanggapin ba niya ito.

"Hindi.. e nag No to franchise sila no!," mabilis na sagot ni Ogie na pinatutungkulan ang pag No to ABS-CBN franchise ng naturang party list.

"Kahit milyon milyon (bayad) ang ibibigay?," dugtong na tanong agad ni Mama Loi.

"Jusko day.. hindi naman sa lahat ng pagkakataon na pera ang paiiralin natin, huwag nating kalilimutan na may prinsipyo pa rin tayo, kaya nga tayo umaakyat ng entablado sa pinaniniwalaan nating kandidato na siyang makakapagpa-ahon ng ating bansa...," paliwanag ni Ogie na dinugtungan agad ni Mama Loi ng... "Nang walang bayad".

"Yess.. promise ni singkong duling wala po kaming tinanggap..," dugtong pa ni Ogie.

Post a Comment

Previous Post Next Post