Paolo at Yen, spotted magka-holding hands; Nahagip rin kasama pa ang isang babae

- Sabi ng ilan ay naghiwalay na raw ang sina Yen at Paolo ngunit sa kuhang larawan nila kamakailan ay nakitang magka-holding hands ito

- Kasabay rin nilang nahagip sa camera ang isa pang babae na sinasabi ring staff ng isang restaurant base sa pananamit ng babae

- Wala namang itinanggi ang aktor na lumabas sila ni Yen ngunit lumabas lang 'as a friend'

Matatandaang dineny ng aktor na si Paolo Contis ang mga haka-haka na buntis si Yen Santos, dahil sa mga malisyosong komento ng mga netizens online o mas popular sa tawag na mga 'marites'.

Lumabas ang pahayag niyang ito nang lumabas sa internet ang litrato nila ni Yen Santos na nagbabakasyon sa Boracay. Kanya-kanyang sikap naman ang mga marites na gumawa ng kwento upang sabihing buntis ang aktres.

“Yung tungkol doon sa kung buntis ba si Yen Santos, as per Paolo, hindi buntis si Yen Santos. Ang payat nga raw ni Yen Santos," sabi ni Ogie. "Ang nakunan daw ay ‘yung paglipad ng damit ni Yen Santos kaya nagmukha siyang mataba kasi ang hangin that time," paglilinaw niya sa kanyang vlog.

Sa kabila ng bali-balitang hiwalay na sila, palaging spotted sina Yen at Paolo na magkasama, lalo na noong nasa Baguio at Pangasinan silang dalawa. Ngunit sinabing "as a friend" lang umano ang kanilang pagkikitang laging may kuhang litrato mula sa netizens.

Ngayon naman ay may bagong "spotted picture" na naman sina Yen at Paolo na kuha naman ngayon sa Makati, sa Rockwell nitong March 19. 


Kitang-kita sa picture na naglalakad ito habang may sweet moment pang magka-holding hands. Katulad ng kanilang mga naunang litrato, naka-shorts na puti si Paolo habang si Yen naman ay naka blouse na kulay puti at pantalong itim. Dagdag rin sa outfit niya ang cap na nakakapagpatago ng kanyang mukha.

Hagip rin sa picture nila ang isang babaeng hinihinalang nagta-trabaho sa mall sa isang restaurant. Base sa suot nito, isa siyang staff ng isang Korean resto dahil sa suot nitong tradisyonal na kasuotan ng mga babaeng Korean.

Post a Comment

Previous Post Next Post