Rowena Guanzon, binira ang basher na nag-comment sa kanyang post; Pinagkatuwaan ng netizens

- Walang patumpik-tumpik pang binira ng retired COMELEC commissioner na si Rowena Guanzon ang isang basher na nag-comment sa kanyang post

- Hindi kasi pinalagpas ng basher ang viral post ni Rowena Guanzon at nagawa pang magbigay ng komento na pinagtawanan ng netizens

- Matatandaan ring sinabi niyang adik siya sa Coke Zero at hindi sa cocaine na tila may gustong ipahiwatig netizens

Pinagkatuwaan ng mga netizens ang mga pambihirang tweets at posts ng dating COMELEC Commissioner na si Rowena Guanzon patungkol sa mga pagiging adik sa Coke at mga komento niya sa mga magnanakaw.

Nito lang February 6 ay nag-viral siya dahil sa kanyang tweet sa umano'y pagiging Coke zero addict niya at hindi sa cocaine. “Coke zero addict ako, hindi sa cocaine,” caption ng kanyang tweet.

Di nagtagal ay inimbitahan niya ang publiko na gawin ang "NgiwiChallenge" kung saan kukuha ka ng isang selfie habang nakangiwi na tila gagayahin ang "cocaine jaw". 

Samantala, ipinatigil niya muna ang challenge upang hindi maka-offend ng mga Kapamilya nating may Tourette's at cerebral palsy.

Ngayon naman ay muli siyang nag-viral sa kanyang post kung saan makikitang kumakain siya habang katabing muli ang kanyang iconic Coke. Caption niya, "Sarap talaga kumain lalo na kung di galing sa nakaw."

Agad naman itong pinuntirya ng netizens at may isang basher pa ang napa-comment. Sabi niya, "ang mgnanakaw galit sa kapwa magnanakaw!" na agad rin namang pinagtawanan ng Facebook users.

Sinupalpal naman ito ni Rowena at nag-reply ng, "oh bat parang galit ka"

Napuno naman ito ng mga laugh reactions at muling napasa sa basher ang kahihiyan.

Post a Comment

Previous Post Next Post