Ryan Bang, nanghingi ng permiso sa asawa ni Yeng upang 'bumalik' sa nakaraan?

- Natuwa ang netizens kay Ryan Bang dahil sa kapansin-pansing pagiging marespeto nito sa asawa ni Yeng Constantino 

- Humingi naman ng permiso si Ryan Bang sa asawa ni Yeng upang pag-usapan ang nakaraan

- Ngunit tinawanan lang siya na tila nagpahiwatig na 'okay' lang mapag-usapan ang panahong nanligaw si Ryan kay Yeng

Tuwang-tuwa ang netizens sa Kapamilya host na si Ryan Bang dahil sa pagkakaroon nito ng respeto sa asawa ng dati niyang nililigawang si Yeng Constantino. 

Ilang beses rin kasing nanghingi si Ryan ng permiso upang 'bumalik' sa nakaraan para pag-usapan ang nangyaring ligawan sa kanila ni Yeng na ikinabigla ng marami. 

Bago pa nila ito mapag-usapan sa vlog ni Ryan na kung saan guest si Yeng, ilang ulit na humingi si Ryan ng permiso. Tinawanan lang ito ng mister ng singer na tila nagbigay na ng 'go signal' para sa request ng host. 

Matatandaang nagulat ang mga netizens sa naging rebelasyon ng Kapamilya stars na sina Yeng Constantino at Ryan Bang sa isang episode kamakailan para sa 'It's Showtime'. Nagkaaminan kasi sina Yeng na nanligaw daw sa kanya ang 'Showtime' host na si Ryan.

Agaran namang nilinaw ni Yeng na hindi naman daw talaga niya binasted si Ryan at nagulat rin siyang hindi na nagpapadala ang host sa kanya ng kape dahil kinaugalian na raw nitong magpadala. “Hindi kita binasted! Hindi kita binasted noon,” sagot ni Yeng kay Ryan.

Post a Comment

Previous Post Next Post