Sa isang deleted post, Karla nag-react sa pagkakaibigan nila ni Jolina at Melai

- Nagbahagi si Karla Estrada ng kanyang opinyon sa pagiging magkakaibigan nila ni Jolina at Melai sa kabila ng iba-ibang paniniwala nito sa politika

- Nakaka-“happy” naman daw na hinahanap siya ng mga tao sa 'PasigLaban' rally ng Leni-Kiko tandem

- Si Karla ay sumapi sa partylist ng isang representative na hindi pumayag na bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN

Matatandaang nag-viral ang pamamaalam ni Karla Estrada sa kanilang morning talk show ng ABS-CBN kasama si Jolina Magdangal at Melai Cantiveros na “Magandang Buhay”.

Ito ay dahil mas pinili niyang pumasok sa politika at maging bahagi ng Tingog partylist na pinamamahalaan ni Rep. Yedda Marie Romualdez, isa sa mga hindi pumayag na bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN, bilang third nominee ng nasabing partylist. 

Samantala, kahit na sumusuporta ang dating Magandang Buhay host sa Uniteam, tandem nina Bongbong Marcos at Inday Sara, nagpakita naman ng suporta ang kanyang anak na si Daniel Padilla sa panig ng mga Kakampink. 

Nag-react rin ito sa pagkakadawit ng pangalan niya sa “PasigLaban” rally nina Leni-Kiko. Mula kasi sa video, makikitang magkasama sina Jolina at Melai sa stage habang maririnig ang mga tao na sumisigaw ng “Ilabas si Karla!”. 

Aniya sa caption, “Nakakahappy naman at hinahanap n’yo ako mga sangkay! Kahit kami ay magkakaibigan, kami ay may kanya kanyang pananaw sa buhay.”

“Nirerespeto namin ang aming magkakaibang mga paniniwala kaya nga kami magkakaibogan ay mahal ko ang mga kaibigan ko dahil lahat kami ay mabubuti ang layunin. Malayang buhay sa ating lahat, aniya pa.

“100% true! May kanya kanya naman tayong opinion. Importante magkakaibigan pa rin kayo at Magandang buhay!” comment naman ng isang netizen.

Ngunit ang nasabing Facebook post niya ay hindi na makita mula sa kanyang Official Facebook page.

Post a Comment

Previous Post Next Post